Minsan Lang Maging Bata

292 0 0
                                    

Nais ko lang ikwento at ibahagi sa mga mambabasa ang mga nausong laro noong panahon ko. Ngayon kasi, iba ang nakikita ko sa mga kabataan. Ang simpleng pakikipagkwentuhan lang at paglalaro ng bahay-bahayan ay tanda ng kabataang lumipas na. Noong bata ako, palagi ako naglalaro sa labas kapag palubog na ang araw at uuwi na bago mag-gabi. Lagi kami pinapatulog pagkatapos ng lunch para daw lumaki kami. Walang pakialam ang mga bata noon kahit kainin mo lahat ng alikabok sa lansangan. Kapag nadapa ka, iiyak ka lang tapos tatawa–ayos na. Pero ngayon kapag nadapa ka? Kahihiyan ang mararamdaman mo.

Masarap balikan ang mga panahon kung saan simple ang lahat ng bagay at ang mga tao din. Malaki ang pagkakaiba sa paraan ng pamumuhay ng mga kabataan noon at ngayon. Ang mga bata ngayon, iba na ang mga alaalang babaunin pagtanda nila. Heto ang ilan sa mga larong nauso noong elementary palang ako. Mahirap lang kami kaya sa public school ako nag-aral pero kahit na ganoon, masaya ako na naranasan kong maging bata sa panahon namin.

Game: Teks, holen, at iba pang collection

Players: Dalawa (depende kung ilan ang nagpapayabangan.)

Type: Payabangan at padamihan ng collection.

Materials: Teks o postcard, holen, at iba pa.

Description: Bata palang uso na ang collection. Noong panahon ko, ang mga nausong teks ay ghost fighter, dragon ball, flame of recca, at pokemon. Piso ang isang balot ng teks na may laman na apat na postcard ng favorite anime character mo. Minsan may mga araw na ang galing galing mo at nananalo ka palagi tapos gagawin mo ng favorite teks at pamato iyon.

Game: 1,2,3 Viva!

Players: Kahit ilan, pwede isang buong barangay.

Type: Habulan.

Materials: Mga sarili nyo lang.

Description: 1,2,3 Viva! Ito ay klase ng laro na nakakapagod dahil habulan. May taya sa umpisa tapos kapag na-out na kayong lahat, sabay-sabay kayong sisigaw ng 1,2,3 Viva! Parang Fiesta! Kapag iba ang kamay mo sa karamihan, ikaw naman ang susunod na magiging taya tapos kakaripas nang takbo ang mga kalaro mo. Mayroon din ibang version ang laro na ito tulad ng Sili-sili maanghang, tubig-tubig malamig.

Game: Agawan Base o Moro-Moro

Players: Kahit ilan basta dalawang team ang magkalaban.

Type: Habulan.

Materials: Panyo (kung gusto mong mandaya at manguryente.) at Bato (dahil pwede kayo mag-away pagkatapos.)

Description: Sa larong ito mo madalas marining ang “Mas bagong base ako sayo” dahil dito mas may kapangyarihan ang huling nanggaling sa base. Bawat mataya mong kasangga ay makukulong sa base nila hanggang sa magdugtungan na parang preso. Minsan bawal gumamit ng accessories bilang pagdugtong tulad ng panyo. Sasabihin ng mga kalaban “Bawal nangunguryente.” So libre pala kuryente, pwede din kaya manood ng T.V.

Game: Bahay-bahayan

Players: Kahit ilan basta makakabuo kayo ng pamilya.

Type: Indoor game.

Materials: Mga laruan na pinggan at baso. Pwede ding totoong baso para paluin ka ng nanay mo.

Description: Maganda ang larong ito kasi hanggang ngayon uso pa din siya, kaso tinotoo na. Naging makatotohanan ang bahay-bahayan at naging tatay talaga ang tatay at naging nanay talaga ang kaibigan na nanay. Binahay na talaga ang kalaro kaya ayun, they lived happily ever after. Dito matututo maglaro ang mga bata ng kanin kung saan gagamit sila ng ipil-ipil.

Jomar's Journal (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon