Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo

214 14 1
                                    

"Bampira Laban Taong Lobo"

-------

Kabilugan ng namumulang buwan. Numumuti ang kagubatan sa kapal ng nyebe. Mula sa hangganan ng Rusya at Ukraine sa pagitan ng mga nagtataasang mga puno ng fines ay nagtatakbuhan ang mahigit sa dalawang daang mga malalaking asong lobo. Buong pwersa na ang sasalakay kina Yuri.

"Awoooooo! Awoooooo!

Tatlong pinakamalaking lobo ang nangunguna sa grupo. Mabilis ang kanilang takbo. Nakarating sila malapit sa bakod ng manor ni Yuri.
Nagbago ang anyo ng tatlong asong lobo. Naging tao sila.

Pinagmamasdan nila ang loob ng manor. Wala silang nakikitang mga tao. May ilan sa mga bintana ng mansion ang may ilaw. Tinitignan nila ang kabahayan sa likod ng mansion. Tahimik at ang iba ay may ilaw sa harap ng bahay.

"Papa tulog sila. Tamang-tama ang ating pagsalakay. Mabibigla sila at matataranta. Hark! Hark! Hark!" Sabi ni Assov.

"Petrovich isama mo ang ilan at sa kaliwa kayo.  Assov sa kanan naman kayo at ako ay sa gitna. Unahin ang mga bahay at isusunod atin ang mansion. Maglagay kayo ng bantay sa labasan para walang makaligtas sa kanila kahit isa." Atas ni Boris.

Nagbago ang kanilang anyo at naging taong lobo sila. Gumaya na rin ang mga lobo ng pagbabago ng kanilang mga anyo.

Awoooooo! Awoooooo!

Sabay sabay silang sumalakay. Sinisira nila ang pintuan ng bawat bahay at pinapasok ang loob. Wala silang nakita kahit isa mang tao.

Napasok na ng mga taong lobo ang lahat ng kabahayan. Pagtataka ang nasa kanilang mga mukha. Walang tao ang mga bahay. Pinalibutan nila ang mansion.  Inaamoy nila ang hangin at naamoy nila ang mga tao sa loob ng mansion. Isa sa mga nauunang taong lobo ang  umalulong.

Awoooooo!

Sabay sabay silang umatake sa mansion.

***

Bago dumating ang mga taong lobo ay kinausap ni Yuri ang lahat niyang katiwala sa loob ng bulwagan. Mahigit sa apatnapu katao ang nagpa-iwan para lumaban at sina Ivan at Yorac ang mamumuno sa kanila.

"Ivan isama mo ang kalahati sa mga tao mo sa harap kayo ng ikalawang palapag at ang kalahati ay sayo Yorac at sa likuran kayo ng ikalawang palapag ng mansion. Walang matitira rito sa ibaba. Isara ang mga bintana rito. Bawat bintana sa ikalawang palapag ay may dalawa katao. Baril ang gagamitin ninyong panlaban. Hayaan muna ninyo silang makalapit bago ninyo paputukan. Tandaan ninyo sa ulo ninyo sila patamaan. Gamitin lamang ang inyong mga espada kung naubusan kayo ng bala. Gamitin lamang ang bote ng banal na tubig kung dikit na sa inyo ang mga halimaw. Isaboy ninyo sa kanila. Iwasan ninyong kayo ay makagat kung hindi ay magiging halimaw din kayo."

"Vladimir, Ross, Lucia at Michelle sa bubong kayo maghintay. Huwag kayong magpapakita sa kanila. Lalapit sila sa mansion. Hintayin ninyo ang unang putok at saka kayo tumalon. Pilitin ninyong mapatay  ang mga nasa hulian ng mga sumasalakay. Gamitin ninyo ang bilis natin. Kami ni Sofia ay dito sa bulwagan mag aabang. Si Sofia ay sa itaas ng hagdan at dito ako sa ibaba para walang maka-akyat sa kanila sa ikalawang palapag.
Sige pumuwesto na kayo. Ano mang oras ay narito na sila."

****

"Awoooooo!"

"Growwwlll!"

Sumugod na ang mga taong lobo. Sabay-sabay sila. Kumakapit ang iba sa dingding ng mansion paakyat sa ikalawang palapag. Ang nauuna ay sininisira nila ang mga bintana sa unang palapag.

Lumusot sa mga bintanang bahagyang nakabukas ang dulo ng mga baril.

Bang! Bang! Bang!

Arrrggghhh! Arghhh!

Red Moon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon