Part 42 . . . "Sagupaan"

166 16 1
                                    


"Sagupaan"

--------

Baguio, magkasamang umuwi sa mansion sina Nick at Mira. Hapon na ng dumating sila. Tahimik ang paligid. Walang naiwang katiwala maliban kay Mang Damian.

"Beep! Beep!"

Bumusina si Nick sa tapat ng bakal na gate ng mansion. Kusa itong bumukas. Pumasok sila at huminto sa tapat ng malaking pintuan ng mansion. Nakatayo si Mang Damian sa labas.

" Magandang hapon Mang Damian! Nasaan sina papa? Pakikuha na lang po ang dalawang maleta sa kotse."

"Nasa sala sila Nick."

Pumasok sila sa malaking sala ni Mira. Naka-upo sa sala sina Don Yuri at Donya Sophia. Nagtaka si Don Yuri na kasama pa rin ni Nick si Mira.

" Bakit napabilis ang uwi ninyo Nick. Akala ko ba ay maiiwan muna sa Maynila si Mira?

"Pa inatake ako sa Penthouse ng isang taong lobo. Hindi ko siya napatay pero nabulagan ko siya ng isang mata!"

"Ah! Hindi na tayo titiglan ng angkan ni Berong. Dapat na tayong maghanda!"

Pumayag na rin ang don na doon na si Mira. Mas ligtas siya sa mansion.

"May dala akong maaaring makatulong sa atin."

Pumasok si Mang Damian at bitbit ang dalawang maleta. Binuksan ni Nick at inilabas ang mga damit na bakal. Sa isang maleta ay makabagong armas.

"Pa matagal ko ng pinasadya ang mga ito. Kailangan na nating gamitin ngayon."

-------

Sa angkan ni Berong ay naghahanda na rin sila sa magaganap na sagupaan. Dumating na si Kiel. Lahat ay nagulat sa hitsura niya. Ilang sugat na lang sa katawan ang hindi pa naghihilom. Pero bulag na ang isang mata. Ikinuwento niya ang pagtatagpo nila ni Nick. Galit na galit siya. Sa kabilugan ng buwan ay sasalakay na sila.

" Mga kasama, bukas ng gabi ay sasalakayin na natin ang mansion. Wala tayong ititirang buhay kahit isa! " sigaw ni Kiel.

" AWOOOOOO! "

Lahat ay umalulong tanda ng pagsang-ayon. Pumasok si Kiel sa isang kubo. Humiga siya para makabawi ng lakas.

--------

Sa guhong gusali ay naghahanda na rin sina Jansen. Hindi nila pinakain ang mga alagad para maging gutom ang mga ito at mabagsik. Naaalala niya si Nirvana. Ang mahal niyang asawa. Nagtatagis ang kanyang mga ngipin sa galit.

" Hihimayin ko ang mga laman mo Nick. Magugulat ka na lang sa aking kapangyarihan. Ako na ang kikilalaning pinuno ng ating angkan bukas sa kabilugan ng buwan. " bulong niya sa sarili.

------

Kabilugan na ng buwan. Oras na ng sagupaan ng tatlong grupo. Ala-sais pa lang ng hapon ay tahimik na sa kapaligiran ng mansion. Malakas ang hangin. Maagang bumaba ang makapal na hamog. Malamig ang gabi. Lumitaw ang buwan, namumula ito.

Sa loob ng mansion ay nasa isang lihim na silid sina Nick, Mira, Donya Sophia, Michelle, Lucia at si Mang Damian. Suot na nila ang mga damit na bakal. May dalang isa pa si Nick. Ipinasusuot niya kay Mira ang damit. Ayaw pumayag ng dalaga. Si Donya Sophia ang kumausap.

" Sige na iha, isuot mo na. Hindi natin alam kung gaano sila kalakas. Kahit gawa na sa bakal ang pintuan ay kaya pa rin nilang buksan iyan. Huwag mo nang bigyan ng alalahanin si Nick. Mahusay siyang mandirigma kung nakapokus ang isip niya sa laban. " aniya.

Kinuha ng dalaga ang damit na bakal. Tinulungan siya ni Michelle hanggang sa maisuot niya ito. Lumapit sa kanya si Nick.

" Mahal ko, here ang punyal. Itago mo. Gamitin mo kung kinakailangan. Mag ingat ka. Kasama mo sina Mama rito. Kaming mga lalaki lang ang makikipaglaban. " sabi ng binata.

Red Moon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon