Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"

210 19 1
                                    


"Pwersa laban sa pwersa!"

-------

Tagilid na ang laban ng grupo nina Ross. Umatras sila. Masyadong marami ang mga banyagang mersenaryo. Malalakas pa ang mga alagad na bampira ni Vitorio. Hinarap nina Ross at Beto si Vitorio na nakangiting papalapit sa kanila. Kailangan munang nilang napigilan si Vitorio para maka-atras sina Vladimir at Renaldo kasama ang mga sugatan nilang kapanalig. Hindi sila makatakbo ng mabilis hanggat may sugatan sa kanilang maiiwan.

"Isa kang hudas Vitorio. Pinagkatiwalaan ka ni Yuri pero hinudas mo siya!" sigaw ni Beto.

"Ha ha ha! Mahina na si Yuri! Iba na ang lakas namin dahil sa mga puso ng mga birhen. Iyan ang kasalanan ni Yuri. Binabawalan kaming pumatay ng mga inosenteng tao dahil ang gusto niya ay siya lang ang malakas sa amin. Ang mga tao ay para sa atin. Sila ang nagbibigay sa atin ng mga lakas at buhay!"

Sumugod sina Beto at Ross. Kasing bilis ng hangin ang kanilang pagtakbo. Pero sinalubong sila ng isang malakas na pwersa at kapwa sila tumilapon pabalik. Bagsak sila sa lupa. Parehong hindi na makagalaw ang kanilang katawan. Papalapit si Vitorio sa kanilang dalawa. Nakamasid ang mga alagad niyang mga bampira at mga banyagang mersenaryo.

"Akala ba ninyo ay makukuha ninyo ako sa bilis? Ha ha ha! Ano gumalaw kayo! Kaya kong hugutin ang inyong mga puso kahit malayo ako sa inyo." sabi ni Vitorio at itinaas niya ang kanyang isang kamay para hugutin ang mga puso nina Beto at Ross.

Biglang lumitaw si Arielle sa pagitan nilang tatlo at nakaharap siya  kay Vitorio na nagitla. Lumingon siya kina Ross at Beto.

"Tito Ross  puntahan na ninyo sina Tito Vladimir. Umatras na muna kayo!" sabi niya at nagtaka pa ang dalawa ng bigla silang nakagalaw. Tumayo sila at patakbong pinuntahan sina Vladimir na nasa likod ng mga batuhan.

"HUH? Sino kang paslit ka? Nagawa mong  mong pakawalan ang dalawa kong bihag?" Tinitignan ni Vitorio si Arielle. Isang batang sampung taong gulang ang nakatayo sa kanyang harapan. Nilalaro ng hangin ang namumulang ginintuang buhok. Berde ang mga mata na kakaiba ang tingin sa kanya. Nakapantulog na damit at sandals lang. Pumulang bigla ang mga mata at buhok ni Arielle.

"Hmmmm! May taglay kang kakaibang lakas. Hindi ko mapasok ang kaisipan mo! Tignan nga natin kung ano pa ang magagawa mo?" Sumenyas si Vitorio sa mga mersenaryo. Itinaas nila ang kanilang mga armas at pinaputukan si Arielle.

"Praaatttt! Praaaatttt! Praaaatttt!"

Hindi umilag ang bata. Mula sa kanyang katawan ay lumabas ang kakaibang ihip ng hangin. Naramdaman ito ni Vitorio dahil tumama ito sa kanya. Mainit-init ang pwersa. Tumigil ang mga bala isang metro pa bago sila tumama kay Arielle at nalaglag sa lupa.

"HA?" Natulala si Vitorio.

Lalong nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang lumalabas sa katawan ni Arielle ang limang espirito. Naghiwa-hiwalay ang mga espirito at dinaanan ang mga katawan ng mga mersenaryo. Nagharapan ang mga banyagang mersenaryo at sila-sila ang nagbarilan.

"Ahhhh! Sugurin ninyo siya!" Atas ni Vitorio sa kanyang mga alagad na bampira.

Umangat ng isang metro mula sa lupa si Arielle. Kasing tangkad na siya ng mga sumusugod na bampira. Kasing bilis sila ng hangin pero ang tingin sa kilos nila ng bata ay para lang silang naglalakad ng slow motion.

Isang bampira ang nauuna at pasunggab ang kamay niyang may mahahabang kuko kay Arielle. Tinabig niya ng kanyang kaliwang kamay ang kamay ng bampira at tinusok niya ng kanyang hintuturo ang sentido ng bampira. Bumaon ang kanyang daliri. Tumirik ang mga mata ng bampira. Bumaon ang kaliwang kamay niya sa dibdib ng bampira at ng hugutin ay sakmal na niya ang puso. Biglang nasunog ang katawan ng bampira at naging abo.

Red Moon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon