Alam ni Lord na may mga kahinaan ka,
Alam ni Lord na magkakamali ka,Alam ni Lord na may mga limitasyon ka,Alam ni Lord na hindi mo maiiwasan magkasala,
Kaya kapag hindi mo napigilan ang sarili mo,huwag mo sana i-condemn ang sarili mo,
huwag mo sana i-base ang identity mo kung sino ka dahil sa nagawa mo, sa sarili mo o paningin ng tao sa'yo kundi kung sino ka sa paningin ng Diyos,
dahil likas sa atin na makasalanan tayo na namana natin kina Eba at Adan (Genesis 3), hindi tayo perpekto habang nandito pa sa mundo (Roma 3:23).
Sabi sa Roma 7:19, "Ito ay sapagkat ang mabuti na ninanais kong gawin ay hindi ko nagagawa. Ang kasamaan na hindi ko hinahangad gawin ay siya kong nagagawa."
Kaya napakahalaga na patuloy tayong humingi ng tawad sa Diyos sa mga nagagawa nating hindi nakalulugod sa Kaniya (1 Juan 1:9).
Kailangan natin Siya araw-araw.
Maliit man o malaki, hindi na aalalahanin pa ni Lord 'yan kapag napatawad na Niya (Isaias 43:25) at wala na ring condemnation sa mga na kay Kristo (Roma 8:1).
Ganoon lang kasimple kapag tinanggap mo si Jesus sa buhay mo bilang Diyos at tagapagligtas, kapag anak ka Niya.
Hindi pa huli ang lahat. Hindi ka Niya hahadlangan sa paglapit, pagpapakumbaba, paghingi ng tawad at pagtanggap mo sa Kaniya.
Ganoon kalawak at kalaki ang kayang gawin ng pag-ibig ng Diyos, hindi masukat ang habag at biyaya Niya sa atin.
Walang katumbas na halaga ang ginawa Niya para magkaroon ng pagkakataong maligtas mula sa impyerno upang makasama Siya balang araw sa langit (Juan 3:16, Roma 6:23, Efeso 2:8-9).
Pero hindi pa rin dapat mawala ang pagsisikap natin na mamuhay ayon sa Kaniyang kalooban, na mamuhay bilang mga anak Niya, na harapin ang mga consequences, na sumunod sa Kaniyang mga salita, mga paalala at paalala na rin ng mga ginagamit Niya sa ating mga buhay.
Ipagpatuloy nating manatili sa Kaniya (Juan 15:4) upang matulungan din natin ang Banal na Espiritu na kumilos sa ating buhay para mas lumago pa tayo (Gal. 5:22-23) at malabanan ang kasalanan.
BINABASA MO ANG
Talumpati (Address) English & Tagalog
RandomThese were written in Tagalog and English. I made these since I was in JHS.