Sa ating modernong panahon ngayon, karamihan sa atin ay gumagamit ng mga iba't ibang teknolohiya tulad ng kompyuter, laptop at iba pa na maaaring gamitin sa maraming paraan lalo na sa paggamit ng mga ito sa social media. Habang tumatagal, lumalaki ang bilang ng mga taong gumagamit ng social media para magkaroon ng komunikasyon sa mga taong kilala, kaibigan, pamilya, at iba pa. Isa pa, maaari ring gamitin ang social media upang makita ang mga litrato at mga mensahe ng mga taong gumagamit nito. Hindi lang positibong epekto ang maaaring maidulot nito, maaari ring magkaroon ng negatibong epekto lalo na kung wala tayong pag-iingat sa mga ibinabahagi natin. Ano-ano nga ba ang mga maaari nating gawin sa paggamit ng social media upang maiwasan itong magkaroon ng negatibong epekto? Kailangang nakatutulong ang mga ibinabahagi natin at higit sa lahat, hindi dapat nakasisira sa kapwa.
Sa pamamagitan ng social media, maaari tayong makapagbahagi ng mga impormasyong makatutulong sa ibang tao gaya na lamang ng pagbibigay ng payo at motibasyon sa mga taong nahihirapan na gusto ng sumuko, at iba pa. Bawat oras ay mahalaga, kaya gamitin natin ang social media sa tamang paraan, huwag nating siraan ang ating kapwa sa pamamagitan ng pagpaparinig sa social media na makapagpapahiya sa kanila sapagkat hindi lang kayo ang makakaalam kundi maraming tao. Sa tingin mo ba magkakaroon ka pa ng lakas ng loob na humarap sa maraming tao kapag napahiya ka sa social media? Maaaring kaya ng iba, samantalang nakakabawas naman ito ng lakas ng loob sa iba. Walang magandang maidudulot ang mga ibinabahaging nakasasama sa social media, nakasisira ito ng reputasyon. Kung mapapansin natin sa kasalukuyan, karamihan ay nagpapakamatay dahil sa matinding depresyon na kanilang nararanasan dulot ng mga naibabahaging hindi maganda sa social media. Bakit mo pa kailangang gamitin ang social media para ipahiya ang isang taong kagalit mo kung pwede mo naman siyang kausapin para makipag-ayos? Napakalaking epekto ang maaaring maidulot ng social media sa isang tao lalo na kung hindi natin pinag-iisipang mabuti ang bawat mensaheng ibabahagi natin.
Kaya bago natin ibahagi ang isang bagay, siguraduhin muna natin kung tama, nakatutulong, o mahalaga ba ang mga bagay na i-popost natin. Huwag nating hayaang maging negatibo ang maging epekto ng social media sa bawat isa. Gawin natin kung ano ang tama at sa gayo'y maging mabuti tayong modelo sa mga susunod na henerasyon. Tulungan natin ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga mahahahalagang impormasyon at ideya sa mga tao.
BINABASA MO ANG
Talumpati (Address) English & Tagalog
RandomThese were written in Tagalog and English. I made these since I was in JHS.