SAME-SEX MARRIAGE

10K 32 2
                                    

"Kailan tama ang Mali?"

          Ang same-sex marriage ay isang illegal na hindi dapat ipatupad, pero may nga bansa pa rin na hindi alam kung ano ang tama kaya ginagawa nila itong legal. Isa na ang France sa labing-apat (14) na bansa na ginawang legal ang same sex marriage. Makabubuti ba ito o makasasama? Matutuwa kaya ang Panginoon sa kagagawan nila na mali? Kailan ba naging tama ang mali?
          Marami na ring bansa ang lumagda sa nasabing batas na same-sex marriage kasama na ang France, sa pamumuno ni President Francois Hollande. Nais nilang ipatupad iyon dahil nais nilang respetuhin ang batas ng republika. Marami ang sumasang-ayon sa batas na ito lalo na ang mga taong nagmamahalan na parehas ang kasarian at nais magpakasal. Hindi nila tinututulan iyon dahil sa kagustuhan nilang maramdaman ang kaligayahan. Ang kasal ay para lang sa mga taong magkaiba ang kasarian.
          Kahit maligaya ka kung mali ang iyong ginagawa kagaya ng same-sex marriage, hindi magtatagal ang kaligayahan. Walang hahadlang sa iyong kaligayahan kung tama ang iyong ginagawa at kung ipaglalaban mo kung ano ang tama. Hindi lahat ng sinasang-ayunan ng maraming tao ay tama, kaya kailangan natin ng talino sa pag-iisip upang malaman ang mga mabubuti at legal at sa gayo'y makamit ang tunay na kaligayahan.

Talumpati (Address) English & TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon