TEENAGE PREGNANCY

12.7K 54 14
                                    

"Sa Tamang Panahon"

          Habang tumatagal, mas lalong humihirap ang mga sitwasyong nararanasan ng mga bansa sa ating mundo at isa na ang Pilipinas sa mga bansang naghihirap.
          Sa pagtaas ng bilang ng populasyon, inaasahang ito ang solusyon upang mapaunlad ang ating bansa dahil maraming tao ang maaaring makapagtrabaho at makatulong sa ating bansa. Ngunit paano kung ang ilan sa mga inaasahang tao ang siya palang nagiging dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa? Anong suliranin ang pumipigil sa pag-unlad ng ating bansa? Isa kaya ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis sa mga dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa? Kung oo, ano ang mga dahilan nito? Ano ang mga maaaring maging epekto nito?
          Ang teenage pregnancy ang isa sa mga problemang humahadlang sa pag-unlad ng ating bansa. Sa panahon ngayon, iilan na lamang ang mga kabataang nakakapaghanap ng magagandang trabaho at nakakapagtapos ng pag-aaral. Ang mga dahilan ng maagang pagbubuntis ng ilang kabataan ay ang kakulangan nila ng impormasyon at ang pagkaimpluwensya sa kanila ng iba na nakasasama sa kanila. Kulang sila sa impormasyon dahil minsan, hindi nila alam na ginagawa na pala nila ang mga bagay na nagiging resulta ng pagkabuntis nila. Kailangan nila ng mga taong tutularan nila o magandang halimbawa sa kanila na magpapayo sa kanila kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin upang maiwasan ang maagang pagbubuntis. Kung patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis, mananatili na nga lang bang pangarap na makatutulong ang pagtaas ng bilang ng populasyon upang umunlad ang ating bansa?
          Lahat ng mga bagay dito sa mundo ay mararanasan natin kaya huwag tayong nagmadali. Huwag ipagpalit ang pangarap sa sandaling sarap dahil hindi naman iyan makakatulong sa pag-unlad ng ating bansa, hindi rin makatutulong sa ating pamilya na nag-aruga sa'tin, at ikaw lang din naman ang mahihirapan. Kaya upang maiwasan ang maagang pagbubuntis, matutong sabihin ang "HINDI!" Unahin muna ang pag-aaral at pagkakaroon ng maayos na trabaho upang magkaroon ng magandang kinabukasan dahil napakagandang dinggin ang katagang "Nakatulong ka na sa iyong pamilya, nakatulong ka pang paunlarin ang iyong bansa."
         

Talumpati (Address) English & TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon