Magulang

4.7K 23 2
                                    

          Nabalitaan niyo na bang may mga taong nagta-trabaho na walang sahod? Na nagbibigay ng libreng serbisyo? Kung meron, sino-sino kaya ang mga taong iyon? Sila ay walang iba kundi ang ating mga magulang. Siguro iyon na ang pinakamahirap na trabahong napasukan nila.
          Ang ating mga magulang ay araw-araw napapagod at napupuyat sa isang trabahong hindi sila nasusuwelduhan. Kung maaari lang silang magresign ay ginawa na nila, pero hindi! Handa nilang gawin ang lahat dahil sobra ang kanilang pagmamahal sa atin.
          Naalala niyo pa ba noong mga bata pa tayo? Sobra silang mag-alala kung may sakit tayo, kahit na hindi sila matulog ng magdamag masigurado lang na maayos ang kalagayan natin. Nagta-trabaho sila para lang may makain tayo. Hindi nga natin alam kung natikman na nila ang mga pagkaing ipinapakain nila sa atin noong mga bata pa tayo. Malay niyo, dibaleng magutom sila, makakain lang tayo. Inuuna nila tayong sinusuportahan. Lagi pa rin nila tayong sinasabihan na laging mag-ingat. Kahit na minsan ay hindi na sila narerespeto. Karamihan sa mga kabataan ngayon, parang mas matanda sa magulang kung sumagot. Hindi man lang gumamit ng po at opo. Pero napakapalad pa rin natin dahil lagi pa rin silang nandiyan para sa atin hanggang sa pagtanda nila. Ngayon naman na tayo ang kailangan nila, sana'y lagi rin tayong nandiyan para sa kanila.
          Sundin natin ang mga utos ng ating nga magulang at huwag magreklamo kung simple lang naman ang hinihingi nilang tulong at utos sa atin. Dahil ba tinatamad kaya minsan ayaw sumunod? Kulang na lang suwelduhan pa kayo ng inyong nga magulang para sundin sila. Alalahanin natin na mas mahirap ng mga ginagawa ng ating mga magulang kaysa sa atin. Wala na nga silang sahod sa pag-aalaga sa atin tapos tayo pa ang susuwelduhan nila? Huwag sana nating gawin iyon sa ating mga magulang sapagkat napakapalad natin sa kanila.
          Mag-aral tayong mabuti upang magkaroon tayo ng magandang trabaho, at sa gayo'y matulungan natin ang ating mga magulang balang-araw bilang sukli sa mga sakripisyong ginawa nila sa atin, at bilang pasasalamat sa mga araw na hindi sila sumuko at tumitigil sa pag-aalaga sa'tin kahit wala silang sahod, kahit nakakapagod, dahil kung wala sila, wala tayo sa kinalalagyan natin ngayon at higit sa lahat, wala tayo sa mundong ito. Sila ang isa sa mga espesyal na regalong ipinagkaloob sa atin ng Diyos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Talumpati (Address) English & TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon