Captured 1

157 12 1
                                    

Siya si Anna. Mahilig siyang kumuha ng mga magagandang tanawin o bagay. She always says to herself that 'Capturing the moments of today that will  wow your hearts tomorrow'

Kaya naman. Sa bawat masasayang araw o malungkot na nakikita o nangyayare sa paligid niya ay kinukuhaan niya ng litrato. Para kasi sa kanya 'Life is Short'

At sa paraang pagkukuha niya ng litrato sa paligid niya ay maaalala niya ang mga masasayang araw na nangyare sa kanya noong buhay pa siya. Na maaari pang makita ng mga pamangkin o mga magiging anak niya in the future kung ano yung mga nangyayare sa panahon niya.

At wala namang masama sa ginagawa niya eh. Wala namang batas na bawal kumuha ng letrato sa paligid ng walang permisyon.

"Anna,bukas na nga pala yung election sa Photographing Club. Punta ka ha?" sabi sa kanya ni Roxane--kaklase ni Anna. Ngumiti si Anna kay Roxanne.

"O sige. Magkita nalang tayo doon bukas. Pupunta pa kasi ako ng Park para kumuha pa ng mga litrato" sabi naman ni Anna.

"O sige. Mag-iingat ka ha? baboooo~" sabay umalis na si Roxanne.

Agad namang pumunta si Anna sa Park. Nang makarating si Anna sa Park ay napangiti siya nang makita niya ang isang pamilya na masayang nagku-kwentuhan. Agad niya itong kinuhaan ng mga litrato.

Masaya si Anna sa ginagawa niya. Bata pa lang siya ay ito na ang hilig niya. Ang pagkuha ng mga litrato. Lalo na ang pagkuha ng litrato ng mga masasayang pamilya na sama-sama. Natutuwa siya sa mga nakukuha niya ngayon sa Park.

Naiisip niyang marami na naman siyang mailalagay na mga description tungkol sa litratong nakuha niya. Hindi niya ito ginagawa upang maging sikat siya sa paaralan nila. Dahil isa siya sa mga magagaling na photographer na kumuha ng mga litrato.

Ginagawa niya ito upang mapasaya ang kanyang sarili. Na kahit sa ganitong paraan..ay maramdaman niya man lang ang isang normal na buhay tulad ng iba. Yung buhay na minsan ay hindi niya naramdaman sa pamilya niya.

Yung buhay na siya mismo ang gumagawa ng paraan upang maging normal ito.

Pagkatapos kumuha ni Anna ng mga litrato ay umuwi na rin siya.

Sa pag-uwi niya naman ay hindi na siya nabigla sa mga nakita niya sa loob ng kanilang bahay. 'Ganito naman lagi eh' sabi niya sa sarili niya.

Mayaman sina Anna. Lahat ng gusto niya nakukuha niya. Ngunit,mga materyal na bagay lamang ang mga iyon. Dahil ang pagmamahal. Pagmamahal ng kanyang ama,ina at mag kapatid..ay wala. Ni minsan ay hindi niya naramdaman sa mga ito ang salitang 'PAGMAMAHAL'

Para sa kanya.. Hindi marunong magmahal ang kanyang mga magulang. o kahit pa man ang kanyang mga kapatid. Apat silang magkakapatid. 2 silang babae at 2 ring lalaki. Ngunit ang isang kapaid niyang lalaki ay ampon lamang.

Nagtuloy-tuloy si Anna sa paglalakad. Bago siya makapasok ng kanyang kwarto ay tumingin mo na siya sa mga kasama niya sa bahay.

Ang kanyang ama't ina ay may kausap sa telepono.

Ang kanyang dalawang kuya ay naglalaro.

Habang ang kanyang ate naman ay nag-aayos.

Ni hindi man lang nila naramdaman na dumaan si Anna. Huminga nalang ng malalim si Anna sabay pumasok ng kanyang kwarto.

She Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon