Captured 3

118 11 0
                                    

Lumapit ang lalaking kinuhaan ni Anna ng litrato sa kanya. Kinakabahan si Anna dahil baka magalit sa kanya ang lalaki.

"Ehem" pagfa-fake cough ng lalaki. Kinagat ni Anna ang ibabang labi niya saka humarap sa lalaki.

"A-Ah.. H-hello?" awkward na sabi ni Anna sa lalaki. Ngumiti naman ang lalaki kay Anna kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaba ni Anna.

"Miss magtatanong lang sana ako.." sabi ng lalaki. Tumango naman si Anna. Tiningnan niya ang lalaki.

Matangkad ito. Maputi at matangos ang ilong. Mukhang gentleman rin sa tindig pa lang nito. Hindi rin mapagkakaila ni Anna na gwapo ang lalaki kahit na may eyeglass ito. Mukhang magka-edad lang rin sila ng binata.

"Bakit mo'ko kinuhaan ng letrato?" tanong ng lalaki. Tumayo naman si Anna.

"Naku,pasensya na. Bawal ho ba? Nakakadistorbo ho ba ako? pasensya na po. Sadyang mahilig lang po akong kumuha ng mga letrato. At nagkataon lamang na kayo po ang napansin ko" nakayukong sabi ni Anna sa lalaki.

"Ano ka ba Miss! Masyado ka namang over-reacting eh. hindi ako galit,okay? Nacurious lang talaga ako kasi bigla mo nalang akong kinuhaan ng letrato. by the way,I'm Joshua Dela Cruz" nakangiting sabi ng binata.

"I-I'm Anna.. Anna Liza Cristobal" sagot naman ni Anna sabay nakipagkamayan siya sa lalaki.

Parang may kuryenteng dumaloy sa kamay nilang pareho. Pareho rin silang nakangiti sa isa't-isa. Hindi mapagkakailang nagkakailangan pa silang dalawa. Sabagay,kakakilala pa lang nila sa isa't-isa eh.

Nang magbitaw na silang dalawa ay umupo silang pareho sa swing. Nagsimulang magsalita si Joshua. Marami siyang ikinuwento kay Anna. Na ikinakomportable niya naman. Hindi maexplain ni Anna ang nararamdaman niya.

kakakilala niya pa lamang kay Joshua ngunit feeling niya ay close na close na silang dalawa. Nakikipagsabayan na rin si Anna sa mga joke o banat ni Joshua. Marami silang naikwento sa isa't-isa. Ngunit masasayang araw lamang ang ikinuwento ni Anna kay Joshua.

Nang magda-dapit hapon na ay hinatid ni Joshua si Anna.

"Joshua,maraming salamat sa araw na toh ha? Kakakilala ko pa lang sayo pero feeling ko ang tagal na nating magkakilala" nakangiting sabi ni Anna.

"Ako rin. Nagpapasalamat sayo. O sige mauuna na ako" sabi ni Joshua. Tumango naman si Anna. Papasok na sana siya ng tawagin ulit siya ni joshua.

"Anna!" tumingin si Anna kay Joshua.

"Bakit?" tanong ni Anna.

"Pwede ko bang mahingi ang number mo?" nakangiting sabi ni Joshua. Ibinigay ni Anna ang number niya kay Joshua sabay umalis na rin si Joshua.

**

Nakangiting umuwi si Joshua. Aaminin niya sa sarili niyang 'na-love-at-first-sight' siya kay Anna. Dahil sa mala-anghel na mukha nito.

Alam niyang hindi lang mala-anghel na mukha ang mayroon si Anna kundi mala-anghel na puso at ugali rin.

Nang makarating si Joshua sa bahay nila ay agad siyang sinalubong ng kanyang magulang at isang babaeng kapatid. Hindi katulad kay Anna na walang paki sa kanya ang mga magulang niya. Magkabalikatad na magkabaliktad si Anna at Joshua.

Dahil si Joshua..mahal na mahal siya ng mga magulang niya at ramdam na ramdam niya ito. Laging sinusuportahan si Joshua ng kanyang mga magulang at kahit ang kanyang babaeng kapatid.

Ikinuwento ni Joshua sa kanyang kapatid at magulang ang nangyare sa araw niya. Ikinuwento niya rin na may nakilala siyang babae. A girl that was captured his heart..

She Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon