Captured 5 'Ending'

131 11 5
                                    

Kakahatid lamang ni Joshua kay Anna. Habang si Anna naman ay pumasok na ng bahay nila. Ngunit sa pagpasok niya ay isang malutong na sampal ang natanggap niya.

"Hayup kang babae ka! Ibalik mo ang bracelet kong bigay ni Mommy!!" sigaw sa kanya ng kanyang Ate. Nagulat naman si Anna doon at napahawak na lamang sa pisnge niya.

"Kinuha? Wala akong kinuha sayo,Ate" sabi ni Anna. Agad namang dumating ang magulang ni Anna kasama ang dalawang kuya nito.

"Wag ka ng magmaang-maangan pa! Wala namang ibang tao rito ang maiinggit eh! Walang ibang tao ang gustong makakuha ng atensyon kina mommy at daddy! Kundi ikaw lang! Kaya mo siguro ninakaw yung bracelet ko noh?! Dahil gusto mong makuha ang atensyon nina mommy at daddy sa maling paraan!" sinampal ni Anna ang kanyang Ate. Lahat sila'y nabigla at napasinghap.

"Hinding-hindi ako gagawa ng masama para lang makuha ang atensyon ng mga taong hindi ako pinapahalagahan. Hindi ako gaya mo,Ate! kaya wag mo'kong itulad sayo. At bakit ko naman nanakawin yung bracelet mo? Kung gusto ko mang kunin ang atensyon nina mommy at daddy...edi sana gumawa na ako ng masama noon pa. Edi sana nagpapa-pansin na ako sa kanila. pero hindi! Tiniis kong wag nalang intindihin ang mga ginagawa nila sakin! Tiniis ko yung pagbabalewala nila—ninyo sakin! Hindi mo alam kung gaano kaskait,Ate! Masakit.. Sobrang sakit na halos madurog na yung puso ko. Feeling ko nga kayo yung papatay sakin eh.." pagkatapos nun ay nabigla na lamang sila ng mahimatay si Anna.

**

Isinugod nila si Anna sa Hospital. Namumutla ito at mukhang hirap huminga.

Lumabas ang Doctor pagkatapos ng mga kalahating minuto.

"Masyado ng malala ang sakit ng pasyente. Hindi niyo ho ba siya pinapacheck-up?" tanong ng Doctor. halos maguilty naman ang magulang ni Anna.

"Doc,ano ho ba ang sakit ng anak namin?" tanong ng ina ni Anna. Siguro kung naririnig lang ni Anna ang sabi ng mommy niya ay maiiyak siya sa sobrang tuwa. Sa sobrang tuwa na kahit papaano pala ay 'anak' pa rin ang turin nito sa kanya.

"Mahina ang puso ng anak ninyo. At tanging pagdasal na lamang ang magagawa. Mas malaki na ang posibilidad na...mawala ang anak ninyo. I'm sorry" sabay alis ng doctor. Lahat sila'y nakatulala. Hindi makapaniwala sa narinig.

Hindi nila akalain na mahina ang puso ni Anna. Naisip nilang wala nga silang kwenta. Napakawala nilang kwenta dahil hindi man lang nila nalaman na may sakit pala sa puso si Anna.

Habang tahimik silang naka-upo sa loob ng kwarto kung nasaan si Anna ay isnag lalaki ang dumating—-si Joshua.

"A-Ano pong nangyare sa kanya?" kiankabahang tanong ni Joshua sa magulang ni Anna.

"M-Mahina ang puso ni Anna" nakayukong sagot ng Daddy ni Anna. Nagulat si Joshua sa narinig niya. Hindi niya akalain na ganito ang madadatnan niya.

Parang nabingi si Joshua sa narinig niya. Yung babaeng mahal niya.. Nakikita niya nalang na nakahiga sa Hospital Bed na maraming tubo ang nakakabit rito.

**

"Mom may nahanap akong CD sa cabinet ni Anna!" agad na bungad ni Elmer.. Ang kuya ni Anna. Agad itong kinuha ni Joshua at pinlay.


Lumabas sa TV ang mukha ni Anna. Ngumingiti pa ito.

"Hello sa inyo! Siguro kung napapanood niyo man ito ngayon.. Maybe alam niyo na" ngumiti ng malungkot si Anna.

"Pasensya na kung tinago ko sa inyong lahat ang kalagayan ko. Alam ko naman kasi na kahit sabihin ko sa inyo ay hindi niyo pa rin naman ako papansinin,diba?"

She Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon