Captured 4

101 12 0
                                    

Nakangiting papasok si Anna sa classroom nila. Hindi niya rin alam kung bakit siya nakangiti. Siguro dahil ay sa nakilala niya si Joshua. Si Joshua na kahit sandali niya lamang nakasama ay napasaya siya.

Pumasok na siya ng classroom nila. At sa pagpasok niya ay isang bulaklak ang bumungad sa kanya. Bulaklak na hawak-hawak ni Juan Dela Cruz este Joshua Dela Cruz pala =,=

"Goodmorning Anna" nakangiting sabi ni Joshua kay Anna habang inabaot nito ang mga rosas na hawak. Napangiti naman ulit si Anna at nagblush pa.

"S-Salamat at G-Goodmorning din" sabay iwas tingin ni Anna. Nag'ayiieee' naman yung mga kaklase ni Anna.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na si Joshua kay Anna. Nakangiting umupo si Anna sa upuan niya. at inaalala niya ang ngiti ni Joshua na gustong-gusto niyang kuhaan ng letrato.

FAST FORWARD...

Awasan na nina Anna at kasama niya si Roxanne. Ngunit,sa paglabas nila ng gate ay nakita nina Anna si Joshua na nakasandal sa kotse nito.

"Ayieeee. O sige puntahan mo na si Prince Charming mo Anna at mukhang hinihintay ka na ohh! Hihi... babye!!" sabay alis ni Roxanne. Nagba-bye nalang din si Anna kay Roxanne. Hindi pa siya napapansin ni joshua kaya naman kinuha ni Anna ang Camera niya.

Kinuhaan niya si joshua ng letrato habang nakasandal ito at nakangiti. Pagkatapos nun ay naglakad na si Anna papalapit kay Joshua.

"Anong ginagawa mo dito?" bungad ni Anna. Ngumiti si Joshua saka binuksan niya ang pinto ng kotse.

"Labas tayo" nakangiting sabi ni Joshua. Kaya naman nag-date silang dalawa.

Simula ng araw na iyon ay mas naging close pa silang dalawa sa isa't-isa. Sa umaga ay palihim ni Joshua na sinusundo si Anna. Ihahatid niya ito sa paaralan ni Anna saka pag-awasan na ay magkikita silang ulit at lalabas.

Masaya silang dalawa kapag magkasama sila. Hindi rin mapagkakailang nagkakamabutihan na rin silang dalawa.

Dumaan ang mga araw at mas naging close silang dalawa sa isa't-isa. Halos lahat na ata ng nangyare sa buhay nilang pareho ay naikwento na nila sa isa't-isa. Naikwento rin ni Anna kay Joshua ang nangyare sa kanya sa pagitan ng kanyang pamilya.

Niyakap ni Joshua si Anna.

"Umiyak ka lang.." bulong ni Joshua. And Anna did. She cried on Joshua's shoulder.

"Joshua,masama ba akong tao? Masama ba ako para ipagtabuyan nalang ako ng ganun ganun ng sarili kong pamilya? Hindi ba ako katanggap tanggap para sa kanila? Wala ba akong kwenta? Bakit ganun? Ang sakit-sakit na ang sarili ko pang pamilya ang tumakwil sakin. Ni minsan hindi ko naramdaman yung pagmamahal nila sakin.. Minsan tuloy nagtataka na ako.. kung mamamatay ba ako ng hindi ko maramdaman yung pagmamahal nila" umiyak ng umiyak si Anna sa  bisig ni Joshua.

Hindi naman umalis si Joshua sa tabi ni Anna ng mga oras na iyon. AT pagkatapos maikwento ni Anna kay Joshua ang tungkol doon ay mas lalong inaalagaan ni Joshua si Anna.

Tinuturin niya itong Prinsesa ng buhay niya. Tinuturin niya itong nag-iisang Prinsesa niya.

Hanggang sa dumaan na ang maraming araw at nahulog na nga silang dalawa. Ngunit,ni isa sa kanila ay wala pa ring umaamin. Siguro dahil sa nahihiya? o natatakot na baka masaktan silang dalawa.

Kaya naman nanatili silang tahimik na dalawa. Nanatili silang dalawa bilang 'Bestfriends'.

She Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon