Captured 2

116 12 0
                                    

Maaagang nagising si Anna. Ginawa niya na ang routine niya. Nang makababa siya ay dumeretso lang siya ng labas. Ganun naman lagi eh. Para lang siyang hangin o anino na dumaan para sa kanyang mga magulang at kapatid.

Ni hindi man lang siya pinapansin ng mga ito. O tinatawag upang kumain ng agahan. Pero okay na rin kay Anna yun. Kesa gaya noon..na sinasaktan siya ng kanyang ama at kinukulong ng tatlong oras sa isang lumang kwarto sa kanila.

Ganun kasama ang kanyang ama. Medyo bigla rin naman si Anna nung tumigil na ang kanyang ama sa pagpapahirap sa kanya. pero hindi niya akalain na ang kapalit nun ay ang pagturin sa kanya na parang hangin lamang siya.

Naglakad na si Anna papuntang paaralan nila.

Dala niya pa rin ang kanyang camera. Para sa kanya ang kanyang Camera ay isang regalo na hinding-hindi mapapalitan ng kahit sinoman. Dahil ang Camera na iyon ay regalo ng kanyang ama noong nasa Sampung taong gulang pa lamang siya.

Nang makarating si Anna sa paaralan nila ay agad niyang hinanap si Roxanne. Nagsisimula na rin kasing maghanap ang mga estudyante ng mga sasalihan nilang Clubs.

Nang makita ni Anna si Roxanne ay agad silang pumunta sa lugar kung saan mage-election ang Photography Club nila.

Naghanap na sina Roxane at Anna ng mauupuan nila. Pagkatapos ay nagsimula ng mag-elect ang mga members ng Photography Club.

FAST FORWARD....

Natapos na ang election ng Club nina Anna. At naelect siya biglang Vice President ng Club nila. Sikat rin kasi si Anna sa paaralan nila--lalo na sa Photography Club.

Dumeretso ng Cafeteria sina Anna at Roxanne upang maka-kain muna.

"Anna,hindi ka na ba sinasaktan ng Daddy mo?" tanong ni Roxanne kay Anna. Tumingin naman si Anna kay Roxanne sabay ngumiti.

"Hindi na.." sagot ni Anna. Kahit na nakangiti si Anna ay alam ni Roxanne na may tinatagong sakit na nararamdaman si Anna. Matagal na silang dalawang magkasama kaya kilala niya na ito.

Hinawakan ni Roxanne ang isang kamay ni Anna.

"Kung may ginawa pa si Daddy mo sayong masama. Nandito lang ako. Tutulungan kita. Kaya wag kang mahiyang lapitan ako,okay?" nakangiting sabi ni Roxanne kay Anna.

Kahit papaano ay napapagaan ni Roxanne ang damdamin ni Anna. Sa mga simpleng salita lang ni Roxanne ay nagiging komportable na ang nararamdaman ni Anna.

FAST FORWARD...

Si Anna ay nakaupo sa isang swing ngayon at kumukuha ng mga litrato ng mga batang naglalaro sa Playground. Natutuwa siyang makita ang mga batang naglalaro ng masaya.

Naalala niya noong mga panahong pinapahalagahan pa siya ng kanyang ama't ina. Noong mga panahong mahal pa siya ng mga nito.

Hinawakan ulit ni Anna ang Camera niya saka kumuha ng letrato. Tiningnan niya ang mga letratong kinuha niya at napangiti na naman siya. Minsan ay naiisip niya kung may sira na ba siya sa utak at sa simpleng pagkuha niya lang ng litrato ay napapangiti siya.

Ngunit mali pala siya. Hindi siya sira-ulo. Kundi ay dahil sa masaya lang siya.

Masaya siyang nakikita ang mga bagay na nangyayare sa kanya noon.

Napadako ang tingin ni Anna sa isang lalaking nagbabasa ng libro.

Agad niya itong kinuhaan ng letrato. Nang makuhaan niya ito ay tiningnan niya ang letrato.

Tumingin ulit siya sa lalaking kinuhaan niya ng letrato. Nagulat siya ng makita niyang nakatingin ito sa kanya. Agad namang umiwas ng tingin si Anna. Naisip niyang baka nahuli siya ng lalaki na kinukuhaan niya ito ng litrato.

She Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon