↬Chapter 3↫

89 34 102
                                    


Heartbeats, You and the Rain

Pagkalabas sa building ng room, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ni hindi man lang umambon para naman nakapaghanda ako na lulusong. Hays. Wala akong magagawa kundi sumilong muna sa malapit na silungan. Naghanap ako ng malapit na pagpatilaan ng ulan, nahagip ng mga mata ko ang laboratory building kaya tumakbo ako doon. Nang makaapak ang aking mga paa sa silong ng bubungan ng building, I heard someone yelled my name. Tumingala ako para tingnan kung kanino galing iyong boses.


Bumungad sa aking paningin ang nakangiting mukha ni Cole habang nasa kalagitnaan ng rumaragasang ulan.

Mula sa pwesto ko, kita kong nakatayo siya sa kalagitnan ng bumubuhos na ulan habang ang tanging pananggalang niya lang laban sa ulan ay ang hood ng jacket niyang suot.

"Sukob ka na dito," turo niya sa hood niyang suot.

Halatang nababasa na ang buong katawan niya dahil sobrang lakas ng ulan, hindi sapat ang manipis na tela ng hoodie niya.

"Hindi tayo kakasya diyan," sambit ko sa kaniya.

 Ngunit, sa halip na makinig sa 'kin, lumapit siya sa pwesto ko. I unknowingly stared at him the whole time na pinapagpag niya ang basang-basa na suot-suot niya na jacket. Napaiwas ako ng tingin ng bigla siyang humarap.

Kahit hindi ko nakikita, pakiramdam ko'y nakatingin siya sa pwesto ko. "Sino ba kase nagsabing dalawa tayong susukob," rinig kong wika niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

Nang makaharap ako sa kaniya, kita kong tinatanggal niya ang pagkakasuot ng hoodie niya saka inabot ito sa akin. Basang-basa na ito pati siya pero hindi pa rin mawala ang mga ngiti sa labi niya.

Gosh! Cole. Hindi dahil sa lamig kaya ako giniginaw eh. Giniginaw ako sa sobrang kilig.

"Kunin mo na," he offered, but I have second thoughts.

"Hanggang sa terminal ka lang naman ng tricycle di 'ba? Tara na hatid na kita. Malapit na naman doon ang bahay namin," pag-initiate niya ulit.

Ayoko ko sanang tanggapin ang inaabot niyang hoodie dahil pag ginamit ko iyon ibig sabihin magpapaulanan siya? No way, baka magkasakit pa siya eh.

"Kunin mo na. I insist," pagpupumilit niya ulit kaya wala akong nagawa kundi inabot ko na lamang ito saka isinuot ang hood.

After a while, narandaman kong hinawakan niya ang kanang kamay ko, tumakbo kaming pareho sa rumaragasang malakas na ulan. Hindi ko na alintana ang pagbagsak ng ulan at ginaw na nararamdaman dahil tanging kasiyahan ang umaapaw na nararamdaman ko sa puntong ito dahil pakiramdam ko'y makasama ko lamang siya, parang ang saya-saya ko na.

тoмorrow wιтнoυт you ➳ LuYoon ff. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon