↬Chapter 4↫

85 32 149
                                    

That Moment You Fell In Love

Kinabukasan, hinanap ko siya sa room, but to my dismay, hindi ko siya nakita. Hinuha ko'y hindi siya pumasok dahil narinig kong sinabi ng adviser namin kaninang pagpasok niya sa room na nakatanggap siya ng excuse letter galing sa mommy ni Cole. Nakasaad sa letter na nilalagnat si Cole kaya hindi siya makakapasok.

Pakiramdam ko'y may kasalanan rin ako kung bakit nilalagnat na siya ngayon. Kung hindi niya ako pinasukob kahapon hindi sana siya lalagnatin ngayon. Nakaramdam tuloy ako ng guilt.

 Sa buong araw na wala si Cole, napansin ko sa aking sarili na na-miss ko ang presence niya. Dahil, sa umaga, wala iyong Cole na palangiti sa likuran ng desk ko. First subject sa umaga is Physics, ang physics para sa akin ay boredom. Kapag bored na ako sa klase makita ko lang iyong ngiti niya parang nahahawa na rin ako sa positivity niya at nagigising agad ang diwa ko. Para kaseng nakakahawang sakit iyong ngiti niya. Kapag nakangiti siya mapapangiti ka na rin pabalik.

 Sa lunch break, wala 'yong Cole na hinihingan ng masarap na leche flan. Lagi siyang pinapabaunan ng mommy niya na kaniya namang ibinabahagi sa mga humihingi sa kaniya dahil hindi siya madamot.

At sa uwian, wala 'yong Cole na mahilig magsabi sa lahat ng See you tomorrow or Happy Weekend classmates! Napakamasayahin niyang tao kaya, 'pag wala siya, parang kulang rin ang araw ko.

 After ng last period sa hapon, napag-isipan kong dalawin siya sa bahay nila. Kailangan kong tingnan kung kumusta na siya. May parte sa 'kin na sinisisi ko ang aking sarili dahil ako sana ang nagkaulanan kahapon kung hindi niya ipinahiram hoodie niyang suot. Hays, Cole tingnan mo nangyari ngayon.

Bago ako umalis sa room, hinanap ko muna si Kalia at sa kaniya nagtanong kung nasaan ang address nila Cole. Sinundan ko ang ibinigay niyang address. Hindi ganoon kalayo dahil tama nga ang sinabi ni Cole noon na malapit lang sila sa parking-an ng tricycle na lagi kong sinasakyan.

Pagkarating sa address na binigay ni Kalia, agad akong kumatok sa gate nito. Makalipas ang ilang minuto, sinalubong ako ng isang may edad ng babae na kamukha ni Cole. Hinuha ko'y nanay niya ito. Kung nanay niya man, mana si Cole sa kagandahan ng mommy niya at sa palangiti na personality niya.

"Anong maitutulong ko sa 'yo, ija?" nakangiting wika ng nanay ni Cole.

I smiled then presented her my school id. "Classmate po ako ni, Cole. Dadalawin ko lang po sana siya, tita."

Binuksan nito ang gate nila. "Pasok ka, ija. Nasa loob si Cole," wika niya, kaya pumasok ako dito.

Matapos kong makapasok sa gate nila, iginaya niya ako sa loob ng bahay. Ang bahay nila Cole ay hindi ganoon kalaki at hindi rin kaliitan. Simple lamang ang diseniyo nito. Ang nagpatingkad dito ay ang mga iba't ibang figurines ng little dwarfs at mga iba't ibang uri at kulay ng rosas na nakatanim sa kanilang bakuran.

Pagkapasok sa loob ng kanilang bahay, malinis at maayos lahat ng mga kagamitan. May apat na pintuan akong napansin. Dalawa sa baba at dalaw rin sa taas. Sa kanang bahagi ng bahay, naka-locate ang kusina nila. Kusina pa lang, halata ng mahilig magluto ang pamilya ni Cole dahil madami akong nakita na mga stock ng gulay, prutas at maayos pa ang pagkakasalansan ng mga kagamitan.

"Ija," rinig kong tawag niya sa 'kin, napalingon ako dito saka ngumiti.

"Yes po?" I politely answered.

Itinuro niya sa taas nila. "Sa unahang pintuan ang silid ni, Cole. Katukin mo na lamang dahil mahina pa ang katawan nito na maggalaw-galaw," wika ng nanay niya."Sige po tita. Salamat," sagot ko, whilst naglakad na ako patungo sa hagdanan nila para makaakyat sa silid ni Cole.

тoмorrow wιтнoυт you ➳ LuYoon ff. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon