↬Chapter 8↫

34 14 2
                                    

Our Eyes Can Tell What Our Hearts Deny

       Kinaumagahan, maaga akong sinundo ni Cole sa bahay. Ipinaalam niya ako kay mama na mamamasyal lang kami saglit. Dahil naipaalam ko na kay mama kahapon pa na may pupuntahan kami ni Cole ay hindi na naging mahirap ang pagpapaalam kay mama.

       Bago kami umalis ay pinaalalahanan niya kami na umuwi ng maaga at wag magpapagabi sa daan.

      Pagkalabas namin sa bahay, pumara na si Cole ng tricycle. Dahil madaming dumadaan na tricycle sa tapat ng bahay ay agad kaming nakasakay sa tricycle. Habang nasa loob ng tricycle ay palihim ko siyang tinitingnan. Ang sarap niyang panoorin habang nakangiti. Mas lalong tumitingkad ang kagwapuhan niya. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang dark blue na polo shirt dahil maputi ang kompleksiyon ng kutis niya.

        Kahit inangkin na ni Aine ang puso mo aangkinin ko naman ang mga ngiti mo ngayon. Akin lang ang mga ngiti mong iyan ha?

        Makalipas ang ilang minuto, ibinaba kami ng tricycle driver sa tapat ng school. Nais kong itanong kung bakit kami nandito ngayon pero agad na niyang nilagyan ng piring ang mga mata ko.

       "Para saan 'to?" turo ko sa nakapiring ng mata ko.

         Naramdaman kong hinawakan niya ako sa pulsuhan ng kamay. Bakit hindi na lang sa mismong palad ko eh. Dahil siguro baka magselos si Aine kaya hanggang sa pulsuhan lang ang hinawakan niya.

        "Aalalayan kita, maglakad ka lang...ako bahala," rinig kong instruction niya sa 'kin.

         Tumatango ako bilang sagot.

         Makalipas ang ilang minuto na paglalakad, napatigil siya kaya napatigil na rin ako. Naramdaman kong tinanggal niya ang pagkakahawak sa pulsuhan ko at kasabay nito ay ang pagkatanggal ng piring sa mata ko. Bumungad sa akin ang nakahandang picnic basket at mayroon pang nakalatag na towel na kulay asul sa ilalim ng puno sa likod ng library ng school.

         "Nandito na tayo," he happily exclaimed.

        "Wow!" hindi makapaniwalang nasambit ko. Naihanda niya lahat ng ito? Para sa 'kin?

         Hinarap ko siya, napangiti ako dahil sa sobrang saya.

         "Hindi ba tayo mapapagalitan dito?"

          Umiling-iling ito saka nakangiti na humarap sa akin. Sheez! 'Wag ganiyan Cole, baka mas lalo akong  ma-fall saiyo.

          He placed his hand on his chest. "Trust me on this. Kakunsaba ko si manong janitor. No worries," he reassuringly said then ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa balikat ko. Pakiramdam ko'y uminit ang mukha ko sa ginawa niya.

         "Sa araw na 'to...buburahin natin lahat ng masasamang pangyayari saiyo dito. Papalitan natin 'yon ng magagandang alaala," wika niya sabay itinapat ang kaniyang kamay sa tapat ng mukha ko at tila may binura sa hangin.

         "Wala na," wika niya saka nginitian ako.

           I smiled back.

          Aine, akin muna si Cole mo ha? Kahit ngayong araw lang na ito aangkinin ko muna siya.

           Matapos 'yon, iginaya niya akong maupo sa inihanda niyang picnic towel. Doon kami ay nagkwentuhan ng kung ano-ano saka tawanan, nagkulitan at naglaro ng scrabble ng maubusan na kami ng pag-uusapan.

           Nang magsimula ng lumubog ang araw, natahimik na si Cole habang nakatingin sa papalubog na araw.

          "Ang ganda ng sunset noh?" manghang puri ko sa papalubog ng araw.

тoмorrow wιтнoυт you ➳ LuYoon ff. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon