03:02 am

8 2 3
                                    


--

"Anak!"sigaw ni mama mula sa labas ng pintuan ng aking kwarto na nagpagising sa mahimbing kong pagkakatulog.

--

"Oo Ma! nandiyan na" Sagot ko sabay bukas ng pinto kaya kaagad kong nasilayan si mama..nakatalikod ito na para bang umiiyak o may dinaramdam kaya tinapik ko ang balikat nito sabay tanong na...

--

"Ma,may problema ba?"hinarap ko ito sakin ngunit di ko makita ang itsura nito dahil nakatakip ang kanyang dalawa kamay sa mukha niya kaya bumaba kami papuntang kusina para sa painumin si mama ng tubig dahil baka nananaginip lang..

--

Iniwan ko si mama na nakaupo sa harap ng lamesa habang patuloy na nakatakip ang mga kamay nito sa kanyang mukha na ikinataka ko..Kaya tumungo na agad ako sa ref kung saan nakalagay ang bottles ng tubig ngunit nagulat ako ng biglang tumunog yung telepono sa may sala malapit sa salamin..

--

"Ma wait lang ha..sagutin ko lang yun"sambit ko kay mama ngunit hindi parin ito umimik kaya tumungo na ko sa sala para sagutin yung natawag..

--

"Hello sino po sila?"tanong ko dito kasabay ng biglaang paglakas ng hangin na may kasamang kakilakilabot na tunog.

"Shhshhhhhshhhssssshh"
yan lamang ang narinig ko sa kabilang linya hanggang sa di sinasadyang nabitawan ko ang telepono na hawak ko na naging dahilan ng pagyuko ko at mapatingin sa tapat salamin.
--
Pero ganun na lamang ang aking pagkagulat kasabay ng pagtayo ng balahibo ko ng makita ko ang katawan ni mama sa salamin na nakatayo habang nakaharap sa gawi ko at pugot ang ulo.

One Shit StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon