"Fullpack ah!" -Carlo.
"Of corzz!!! Maliligo ako dun noh!" -Ako.
"Masyado kang lalake sa black pants, red shirt at sneakers, yan naba isusuot mo mamaya?" -Tito Richard, papa ni Dino.
Pigil na tawa naman yung Mimi, OO sasama sya! Kinakanchawan nanaman ako! Humanda ka mamaya!
"Ai hindi po, may dala po syang damit para mamaya." -bessy.
"Mabuti." ngitian nya kami.
"Sumakay na kayo. Dino ikaw na magdrive nung Van, ako na magdadrive nitong L300.."
"Pwedeng dyan narin po kami ni bessy sasakay tito?" -Ako.
Tinignan nila ako, si bessy naman kinurot nya 'ko sa tagiliran. Napa-AWW ako dun.
"Sige."
Tumungo na kaming resort, daming tao! Fiesta nga eh! Fiesta!
Chapter 7
5:30PM palang pero may stage na dun, ready na.
Eh 9PM pa kami tutugtog.
"Ayos! Mataas pa oras natin bess! Magtatransform tayo mamaya! Yohooo!" -bessy.
"Nakakatuwa ka talaga Lily. Haha! Tama nga yung anak ko." -Tito Richard.
"HAHA! Opo, may sayad kasi yan!" biro ko.
"Bess, pinapahiya moko!"
tumawa lang kami.
Bumaba na kami't pumunta ng cabin dala yung gamit namin. Each cabin has two rooms, magkahiwalay yung girls at boys, aba dapat lang!
May CR rin sa loob, kaming tatlo nina Lily at Mimi magkakasama.
Habang sa kabila naman yung boys, kasya naman daw sila dun.
Nagpahinga muna kami ni Lily, si Mimi naman lumabas.
Natulog kaming 40 minutes, ginising kami ni Dino para maghapunan, 7PM narin kasi.
Nung natapos kaming kumain, nagpahinga kami sandali, naglakad-lakad kami sa tabing dagat.
Sumunod samin sina Carlo, magkasama sila ni Mimi.
Linapitan kami nila Christian at Christop.
"Sweety, others yata kayo ngayon?" -Christop.
"Ah hindi, nagbobonding lang kami, kawawa naman bessy ko pag iniwan ko sya." -bessy.
"Lemme guess... Iniiwasan nya si Carlo tama?" -Christian.
"TAMA!" humagis ako ng bato sa dagat.
"Bakit Claire?" -Christop.
"Wag na kayong matanong sweety, hayaan muna natin sya." -bessy.
"Ang sweet masyado nila." -Christian.
Tinignan namin sina Carlo, hindi nako umimik, pero najejelly-ace ako. It hurts you know! :(