Chapter 11
"Hi!" lumingon ako at nakita si Carlo.
"Ang ganda ng dagat noh?" -Carlo.
Pumulot sya ng bato at hinagis yun.
Nakatayo lang kami sa tabing-dagat, nababasa ng tubig yung mga paa namin
"Oo nga, ang ganda ng dagat."
Pero ba't ganto? Ang blurred kunti ng paligid?
(o_O)
Nilingon ko uli sya, at naglalakad sya papalayu,
"Claire..
.
.
.
Paalam na."
"TE-TEKA LANG!"
Sinundan ko sya pero patuloy pa rin sya sa paglalakad.
"Carlo! Teka!" natisod-tisod pa ko sa buhangin,
"CARLOOOOOOO!!!"
"Anak!"
Bumangon ako at hinawakan ang pisngi ko.
"Pumasok ako para gisingin ka, at nadatnan kitang sumisigaw ng Carlo..." -Mama.
Panaginip?
Ang panget ng panaginip na yun. T.T
"May nangyari ba sainyo?" -Mama.
Tumayo na ako at nagstretching.
"Wala ma. Goodmorning.."
Nauna na akong lumabas ng kwarto at nagtimpla ng kape..
Naaalala ko yung mga sinabi nina bessy sakin,
*flashback*
"Nung mga nakaraang araw, palagi nya kaming tinatanong kung ano nang status nyo ni Jacob." -Christop.
"Oo nga, at kung kayo na ba raw..
Nung nagmall kami, dumaan pa kami sa music store na pinuntahan natin at tinititigan ang mga gitara." -Christian.
"See?! Natutulala ka dahil sa mga narinig mo, kaya kung ayaw mong mawala sya sayo, mag-isip ka!" -bessy.
*end of flashback*
Oo nga.
Tinitigan ko lang yung kape ko habang nakaupo sa sofa..
"Ano na Claire?
Gusto mo ba na magkatotoo ang panget na panaginip mo kanina?"
Lumingon ako at
"Mama."
Tumabi sya sakin,
"Anak, rinig ko kayo kagabi.
Alam ko na naguguluhan ka..
At tama sina Lily.
Past na kasi yun.
Hindi mo matutuhang mahalin si Carlo kung mahal mo pa si Jacob na syang kuya Job mo noon.
Ibig sabihin nun na nakamove-on ka na sa kanya. At nalilito ka lang dahil sa nalaman mo na sya si Job, at kung babalikan mo ba sya, naantig ka sa istorya ng buhay nya, AT mabait pa.."
Ilang ulit ko na'ng narinig yan, pero oo na.
Hinawakan nya yung kamay ko, "Sorry din anak kung nagawa ko yun noon."
Si mama talaga.
"Naiintindihan ko naman po kung
bakit nyo nagawa yun ma. At tama lang po na nangyari yun."