[Xela's POV]
Tapos ko ng kainin yung Chocolate Chip Blizzard kaya naman Brownie Temptation na yung sunod.
Ang saraaaaaaaap! Patuloy lang ako sa pagkain kaso nararamdaman kong parang may nakatingin sa akin, at tama nga ako dahil nakita ko si Pera na parang 'di na naman makapaniwala sa akin. Bakit ba?
"Huy! Hobby mo ba ang tumanga?" tanong ko sa kaniya, kanina kasi 'nung nasa motor ako tinignan lang ako.
"Y-you just finish your ice cream in a matter of minutes," sabi niya na parang hindi makapaniwala.
"Umamin ka nga sa akin, nag-aadik ka ba? Pati pagkain ko inorasan." Hay... Malala na talaga siya.
"What? Do I look like an addict?!" Parang baliw na tanong niya.
"Psh. OA."
Natapos ko ng kainin lahat ng in-order ko kaya nag-angat ako ng tingin para yayain na sana siyang umuwi. Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil nakita ko siya na umiiling habang tumatawa tapos unti-unti siyang lumapit sa akin at may pinahid sa gilid ng labi ko. Napapiksi ako dahil parang may kuryenteng dumaloy sa daliri niya. He let out again a sexy chuckle---Wait! What's happening to me?! Did I just say that he have a sexy chuckle?! Arghhhhh! Great! I'm talking to myself.
"Ang kalat mong kumain, para kang bata."
"T-tara na," niyaya ko na siyang umalis dahil medyo na akward-an ako sa kinilos niya.
Naglalakad na kami ngayon at hawak ko lahat ng paper bags niya. Gentleman talaga! Nagpatulong kami sa ibang staff sa supermarket para dalhin yung mga pinamili namin.
"Uhm.... Pera, pakilagay nga muna 'nung mga binili ko diyan sa kotse mo."
"In one condition, stop calling me Pera. Dalawa na nga yung pangalan ko Pera ka pa din ng Pera."
"Ugh! Fine, Dela Fuentes!"
Aangal pa sana siya nang unahan ko na siya.
"Hep! Anong mas gusto mong itawag sayo Pera or Dela Fuentes?"He sighed as a sign of defeat and help me to put the groceries in the back compartment of his car.
"By the way samahan mo pala muna ako sa may unit ko, aayusin pa yung mga gamit 'dun kaya kailangan ko ng tutulong sa akin, kakalipat ko lang kasi kahapon." I just nod dahil nga 'slave' daw niya ako.
Nagsuot lang ako ng helmet at pinaandar ko na yung motor ko. Sinundan ko lang siya hanggang sa huminto kami sa isang malaking building, medyo malapit 'to sa school kaya baka dito niya napili. Kinuha ko na yung mga pinamili niya at himala dahil tinulungan niya akong bitbitin yung iba. Pumasok na kami sa elevator at pinindot niya yung 14th floor. Pagbukas ng elevator ay sinundan ko lang siya, alangan namang mauna ako at magmarunong. Huminto kami sa tapat ng isang pinto at in-enter niya yung code.
Pagpasok pa lang ay mahahalata mo agad na lalaki ang may ari. Kulay white yung walls nito at may highligts na navy blue. Muka ngang kakalipat pa lang niya dahil may mga nakakalat pang mga box sa sahig na may mga lamang gamit.
"So, let's start!" sigaw niya.
Lumapit ako sa isang box at nakita ko 'dun yung mga picture frames. May mga picture siya 'dun at may family picture. May isang babae 'dun na sa tingin ko ay nanay niya kahit mukang halos ate lang niya. Kasama niya din yung tatay niya at ang isang batang maliit.
"May kapatid ka pala na lalaki?" tanong ko sa kaniya habang nagbubuhat siya ng mga box.
"Yeah, 5 years old pa lang siya," sagot niya sa akin.
Pinagpatuloy lang namin ang pag-aayos nga gamit, hanggang sa 'di ko namalayang 3:30 na pala nang matapos kami. At shit lang dahil wala akong dala na extrang damit! Aish! Hinilig ko ang ulo ko sa sofa niya at pumikit, siguro dahil na din sa pagod kaya ako nakatulog.
•••
Pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin kaya minulat ko yung mga mata ko, nagulat ako dahil may malapit na muka sa akin kaya naman sinuntok ko ito agad.
"Ouch!"
"Aish! Bakit ka ba kasi nang-gugulat?!" tanong ko kay Pera.
"Ginigising kita kasi kakain na," sabi niya sa akin at napatingin ako sa orasan, 6:00 na pala? Binuksan ko yung phone ko at nagulat ako dahil may 75 missed calls galing kay Xeald. Uh-oh...
"Uhm... Susunod na lang ako, may tatawagan lang." Tumalikod na siya at nagsimula ng maglakad, 'dun ko lang napansin na nakasuot siya ng apron. He cooks? Tinawagan ko si Xeald at wala pang tatlong segundo ay nasagot niya na agad.
"WHERE THE HELL ARE YOU AIXELA KHURT CORTEZ?!" Uh-oh, he's mad.
"Nasa condo ako ni Pera—I mean ni Cray kasi—"
"WHAT THE FUCK?! ANONG GINAGAWA MO SA CONDO NI CASH?!"
"WILL YOU PLEASE STOP SHOUTING AT ME FIRST?!" Kanina pa 'to ah?! Nakakairita kaya sigaw ng sigaw.
"I will explain it to you later. Uuwi ako maya-maya. Bye!"
"But—" naputol ang sasabihin niya dahil in-end ko na yung tawag.
Pumunta na ako sa kitchen at nakita ko siya na naka mittens at may hawak-hawak na... LASAGNA!
So marunong nga siyang magluto? Nilapag niya sa mesa yung lasagna tapos kumuha siya ng dalawang plate at fork. I grab the plate and put some lasagna on it. I started eating it and it's good.
"Sinong nagturo sa'yo?" Tanong ko sa kaniya.
"Si papa, hindi kasi marunong magluto si mom kaya nag-aral talaga siyang magluto. Lagi akong nanunuod kay papa na magluto hanggang sa natuto na din ako." Bakit ako kahit anong panonood ko kay mommy na magluto 'di pa din ako natututo?
Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng walang imikan dahil sa pagod sa pagliligpit ng unit niya. Napatingin ako sa wall clock at nakita kong 7:00 na. Shit! Patay na ako kay Xeald!
"Dela Fuentes, uuwi na ako. Nakausap ko kasi kanina si Xeald, pinapauwi na ako," paalam ko sa kaniya.
"Okay, hatid na kita. Tsaka nandito pa yung mga binilo mo oh," turo niya 'dun sa apat na plastic. Oo nga pala bumili pa ako ng mga pagkain ko.
Pumayag na lang din ako dahil medyo napadami yung nabili ko at di ko yun mabibitbit lahat. Nang makarating na kami sa bahay ay nag thank you lang siya at tinulungan akong ilapag yung mga pagkain ko. Pagbukas ko sa pinto ay sumalubong sa akin ang nakakunot na noo ni Xeald.
"Exlpain," tipid niyang sabi sa akin.
Ayokong sabihin yung about sa contract dahil paniguradong malalaman niya ang dahilan n'un. "Uhm... Tinulungan niya kasi ako sa isang bagay, kaya n'ung nalaman kong bagong lipat siya sa unit niya, I decided to help him, parang thank you na din." Gumana ka please...
"Aish! I'm so worried about you. Nakakain ka na ba?" Kahit na ganiyan 'yan I know that he always care for me.
"Yes, I'm going to sleep na. Goodnight," I said and kiss him on his cheek.
YOU ARE READING
45 Days With A Jerk
Novela Juvenil"Can I stay with him 'til the end?" Start: October 9, 2018