Chapter 6

14 0 0
                                    

[Xela's POV]

"Be my slave."

LOADING......

Slave?! What the---

"Hell no!" sigaw ko sa kaniya.

"Fine madali lang naman akong kausap eh," he said and get his phone from his pocket. Nagtatakang tumingin ako sa kaniya, 'di naman ata siya tanga para makalimutang na-delete ko na yung video right? "Bro I'm just going to say that Xela has a c---" tinakpan ko yung bibig niya and mouthed 'fine' to him. He has this triumphant smile and ended the call.

"Madali ka din pa lang kausap eh," sabi niya sa akin.

"Arghhhh! Damn you to the darkest pits of hell Pera!!" Gulat siyang napatingin sa akin.

"P-pera?" tanong niya sa akin.

"Cash, Pera," I said to him in a matter-of-fact-tone that made his thick eyebrows furrow.

"I have two names and you are calling me 'Pera'?"

"Psh. Wala ka ng paki dun."

May kinuha siyang papel sa bag niya at pinakita sa akin. Aba't?! Handa talaga?! The fuck?! Ano 'to contract?! Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Pa'no ba naman ready na ready. Ito yung nakalagay sa 'contract'.

I, Aixela Cortez will follow ALL of the commands of the oh-so-handsome Cray Ashton Dela Fuentes for the next 45 days.

Signed by: Cray Ashton Dela Fuentes

Signed by: Aixela Cortez

"After 15 days, ide-delete ko yung copy sa flashdrive. After naman ng contract yung sa laptop." Hmm... Sounds fair. Dahil may isa akong salita, pinirmahan ko na yung kontrata.

"So everything is settled then. Goodbye mah slave." he said then winks-that is very disgusting-at me.

Bumalik na ako sa cafeteria at pinagpatuloy ang pagkain ko. Napansin siguro nila Ylay na wala ako sa mood kaya 'di na muna ako kinausap. Natapos lang ang araw na parang walang nangyari dahil sa kaiisip ko sa buwiset na 'yun.

~Kinabukasan~

"Xela..."

"Ano ba?!" pabulong na sigaw ko kay Pera. Kasalukuyang nagq-quiz kami sa math (first subject namin) at kanina pa niya ako tinatawag.

"Ehhh... Pahinging papel," sabi niya. Baliw ba siya? Kitang nanghingi lang ako eh. Yeah, wala akong papel, nakakatamad kaya bumili tapos hihingin pa ng iba, kaya 'di na ako bumibili pa.

"Nanghingi lang ako," bulong ko ulit sa kanya.

"Aish! Kanino ka nanghi----" hindi na natapos ni Pera yung ibubulong niya dahil biglang may tumama na eraser sa pagitan namin. Gulat kaming napatingin sa pinangalingan 'nun at nakita namin ang terror teacher namin sa math na si Miss Ramos.

"The two of you, get out of the room! Now!" Aish! Wala tuloy akong quiz! Kinuha namin ni Pera yung bag namin at lumabas na ng room.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.

"Sa bahay, uuwi," simpleng sagot ko. Buti na lang talaga second day pa lang sa school, kaya short quiz lang 'yun. Makanood nga sa Netflix.

Maglalakad na sana ako paalis ng bigla niya akong higitin sa kanan kong braso. "Bibili tayo ng groceries para sa unit ko."

"Psh. Sino ka para utusa---" napatigil ako sa pagsasalita when realization hits me. Shit! Slave niya nga daw pala ako!!!

"Ugh! Fine! Pero magbibihis muna ako saglit sa bahay, naiirita na ako sa palda na 'to."

"Fine, dun na lang tayo sa mall magkita," at umalis na siya. Ti-next ko muna si Xand para sabihing magka-cutting ako, tapos yung driver namin para sunduin na ako.

Pagkauwi ko ay kumain muna ako, tapos nagpalit ng damit at sumakay sa motor ko.

[Cray's POV]

Ang tagal naman nung babaeng 'yun! Nasa parking lot ako ngayon at hinihintay ngayon si Xela, sabi niya saglit lang. Tss. May humintong ducati sa harap ko kaya medyo nagtaka ako, hindi naman 'to sila Rach, kasi alam ko yung motor nila.

"Hoy! Tinatanga mo diyan?!" Sigaw nitong nasa harap ko. Sino ba 'to? Tinangal niya yung helmet niya at nagulat ako nang makita ko si Xela. Naka black jeans siya at simpleng brown shirt, pero bagay na bagay sa kaniya.

I came back to my senses matapos niya akong batukan.

"Ano ba ang sakit ha! Teka, marunong kang mag-motor?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi, may invisible akong kasama na nagd-drive." Sarcastic na pagkakasabi niya sa akin.

"Tss. Tara na nga sa loob."

Pumasok na kami sa mall at pumunta sa isang supermarket. Kumuha na ako ng cart kaso napatingin ako sa likod ko nang makita ko na kumukuha din si Xela.

"Ito na," sabi ko sabay turo sa cart ko.

"Bibili din ako ng pagkain ko." Edi ako na pahiya.

Pumunta muna ako sa meat section at kumuha ng kahit anong madampot ko. Sinunod ko naman yung para sa personal hygiene ko at mga canned goods na din. Lumiko ako sa sa left part para sa mga junk foods, pagliko ko ng cart ay nakita ko si Xela na nakabusangot at hindi maabot yung tortillos na malaki sa pinakataas. Lumapit ako sa kaniya kaya napalingon siya sa akin. Kinuha ko yung tortillos kaya biglang nagliwanag yung muka niya tapos nilahad niya yung kamay niya, kaso nilagay ko sa cart ko.

"HAHAHAHAHA!" Grabe ang epic ng muka niya. Tawa ako ng tawa kaso bigla niya akong sinuntok sa tiyan kaya napatigil ako. Ang sakit kaya!

"Yung totoo may bakal ba yang kamay mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Damn you!"

"Will you please stop cussing?"

"Wala ka ng pake 'dun!" Tumalikod siya at nilapitan yung isang lalaki malapit sa amin na namimili din. She smiled sweetly at him at parang may tinuturo. Lumapit naman yung lalaki sa puwesto ko at kumuha ng tortillos tapos binigay kay Xela.

Halos magsingtangkad na kami n'ung lalaki pero mas matangkad ako. May itsura din naman pero siyempre mas guwapo ako- wait, why am I comparing myself?

Lumapit na siya ulit sa akin pero may binulong pa siya na parang "He looks familliar."

"Hey! Tara na!" Natapos na kaming mamili pero iniwan muna namin 'dun sa supermarket kasi bibili pa ako ng mga damit ko. Pagtapos namin siya yung nagbitbit ng lahat ng paperbags ko, kaya grabe yung simangot niya.

"Uyyy! Punta tayong DQ," sabi niya sa akin at dahil gusto ko din ng ice cream ay pumunta kami sa DQ.

"Good afternoon ma'am. May I take your order?" tanong 'nung cashier kay Xela.

"One Brownie Temptation, One Chocolate Chip hmmm... and One DQ sandwich, all large." Paano niya nalaman na gusto ko yung brownie temptation?

"Ma'am I will repeat your order, One Brownie Temptation, One Chocolate Chip, One DQ sandwich, all large." Tumango lang si Xela "That would be 273 pesos ma'am."

Wow! Nakalibre pa ayos! Nagbayad na siya tapos lumingon sa akin. "Bakit 'di ka pa na-order?" tanong niya sa akin.

"Ha? Diba akin yung brownie temptation?" balik na tanong ko sa kaniya.

"Akin lang lahat 'yun."

W-what?! Sa kaniya lang lahat 'yun? Mauubos niya 'yun? Bahala na nga siya. Um-order na lang din ako ng sa akin at umupo na kami sa malapit na table.

45 Days With A JerkWhere stories live. Discover now