[Ylay's POV]
Wednesday ngayon at sa pagkakaalam ko ay may P.E. kami. Paano kaya malalaman kung sinong ka partner? Kyah~ Sana si Rach.
Nag-start na yung first subject namin at buti naman hindi late si Xela. Nag lesson kami about sa biology and I enjoyed it a lot! After our science subject it means recess na namin. After kasi ng first subject namin which is 8:10-9:10, recess na agad namin.
This means kailangan na naming i-interrogate si Xela. Kahapon kasi sinabi sa amin ni Xand na magka-cut daw siya, kaya akala namin ay nanonood lang siya sa Netflix sa bahay nila. So nang makauwi na kami, biglang nag-chat sa akin si Kanni at tiantanong kung nakita daw ba namin si Xela, kasi wala pa daw sa bahay nila, according to Xeald. And it's a miracle dahil bahay-school lang siya lagi at talagang sapilitan pa bago mo siya ma-convince na lumabas.
"Xela saan ka galing kahapon?" tanong sa kaniya ni Xand.
"N-nasa bahay?" patanong na sagot niya. Tsk.Tsk.Tsk bad Xela.
"Naku! 'Wag kami! Hinahanap ka kaya ng kakambal mo sa amin kahapon!" sabi sa kaniya ni Kanni, at biglang nabulunan si Xela kaya inabutan ko siya ng tubig.
"Aish! I'm in Dela Fuentes--- I mean in Cray's condo---"
"ANO?!" sabay na sigaw naming tatlo. Nasa condo unit siya ni Cray?! As in ni Cray Ashton Chavez Dela Fuentes?!
"Geez people! Let me finish what I'm going to say first!" we just nod.
"So, I helped Dela Fuentes--- Cray to clean his unit because we have a contract---"
"CONTRACT?!" chorus na sigaw ulit naming tatlo.
"Sht! Bakit ko ba 'yun nasabi?" bulong niya pero narinig pa din namin.
"C'mon Xela, just spill it," sabi ko sa kaniya.
She sighed as a sign of defeat. Well, lagot siya sa amin kapag 'di niya sinabi.
Natapos na niyang i-kuwento lahat at tawa lang kami ng tawa kasi finally, nakahanap na din ng katapat ang isang Aixela Khurt Laxamana Cortez. Ano bang meron sa akin? Ang hilig ko 'ata ngayong magbanggit ng buong pangalan ng mga tao. HAHAHA
[Xela's POV]
Makukulong ba ako kapag nanapak ng mga kaibigan? Aish! Nakakainis sila! Kanina pa sila tawa ng tawa matapos kong i-kuwento 'yung about sa bullshit na contract na 'yun! At kanina pa kami pinagtitinginan dito sa cafeteria kasi 'di sila maawat sa kakatawa!
"Tapos na ba kayo?" tanong ko sa kanila with a bored look on my face.
"Hahaha! Nakahanap ka din ng katapat mo!" sigaw sa akin ni Ylay.
Pa'no ko ba sila naging kaibigan? *sigh*
Next na 'yung P.E. namin kaya nagpalit na kami ng jogging pants at shirt. Pumunta na kami sa gym at an'dun na yung P.E. teacher namin, which is Sir Jack."Class, make two straight lines. Separate yung boys and girls at pumila din kayo according sa height niyo," si Sir.
Hindi nagkakalayo 'yung height naming apat kaya naman magkakasunod lang kami.
"Lahat ng magkakatapat niyo, kayo 'yung magkaka-partner." Wait. Bakit kailangan ng partner?
Tinignan ko kung sino ang katapat ko. Ahhh... Si Hess pala yung katapat- si H-Hess?!!?!?!
Shit! Nakita ko 'yung mga nang-aasar na ngiti sa mga labi nila Kanni. Shit! Shit! Shit! Papalapit siya sa akin at sa tingin ko ay napako na ako sa kinatatayuan ko."We are partners," sabi niya sa'kin. *breathe in* *breathe out* Geez, compose yourself Xela!
"Psh. Obviously," nakita kong medyo nagulat siya sa pagtataray ko. Aba, sorry naman, 'di ko alam kung paano ko siya kakausapin eh.
Tinignan ko kung sino mga naging partner nilang tatlo. Si Kanni partner si Pera, Ylay and Xeald, tapos si Xand at Rach. Bakit kaya kailangan pang may partner?
"Kaya ko kayo pinag-partner dahil slow dance yung ipe-perform niyo." Bakit?! Why?! Wae?! Naze?!
Yahhhhh! A-Y-O-K-O! And I can give three freakin' reasons why.
First, si Hess yung ka-partner ko for pete's sake! Kinausap pa nga lang niya ako nag-kakagulo na buong system ko, tapos slow dance pa?!
Second, alam naman nating lahat na masyadong touchy kapag ganito ang sasayawin! And this is also not my forte!
And lastly... PAANO AKO MAKAKAPAG-CONCENTRATE KUNG YUNG MGA KAIBIGAN KO AY MAY NANG-AASAR NA NGITI SA MGA LABI NILA HABANG NAGP-PRACTICE?!
Sad Song ng We The Kings yung kanta na napili ng teacher namin. Para namang may magagawa pa kami? Tinuro na sa amin yung steps, at siyempre hindi ako nakatingin sa mata niya. Shit! 'Di nga pala ako a-attend, sinong magiging partner niya?
"Hindi ka a-attend?" natapakan ko yung paa niya dahil sa tinanong niya and I quickly apologized to him. Paano niya nalaman? Mind reader ba siya?
"You said your thoughts aloud, at hindi ako mind reader." Napakunot uli yung noo ko, "It's written all over your face kaya ko nasabi," he said then let out a soft chuckle. Argggghhhh! Why do I always unconciously say my thoughts aloud?!
"So hindi ka nga a-attend." It's more than a statement than a question.
"Y-yeah. I don't really like attending to parties and besides, I don't wan'na wear a freakin' dress," I frankly said to him and luckily I did not stammer that much.
"Ahhh..." he said while nodding.
"Uhm... What about the performance? Wala kang partner?" tanong ko sa kaniya. I feel comfortable talking to him, eh?
"Actually, I'm cool with it. Ayoko din kasing mag-perform," sabi niya at pinaikot ako dahil isa 'yun sa steps.
"But, graded 'to right?" tanong ko sa kaniya.
"It's fine with me."
"Well, should I say 'Thank you'?" I asked him.
"No need," he said while smiling.
After ng class namin siyempre dumiretso agad kami sa cafeteria. May 10 minutes pa namin kami bago yung next class kaya kakain muna kami. Bumili lang ako ng bottled water at tortillos at umupo sa tabi ni Kanni.
"Yieee~ Si Xela nakikipag-usap kanina kay Hess," asar sa akin ni Ylay at tinusok-tusok yung tagiliran ko. Nakabantay nga pala sila sa akin.
Inasar lang nila ako ng inasar kaya naman sinalpak ko yung earphones ko at pin-lay ang ILYSB of course by LANY. Pumasok na kami sa classroom namin at siyempre nakipagbakbakan ang mga utak namin sa lahat ng lectures ng teacher namin.
"Xelaaaaaaaaaa!"
"Ylay, we are just two feet away from each other so no need to shout." Tinignan ko siya at para siyang batang nagta-tantrums.
"Hindi ko ka-partner si Rach! Waaaaah!"
"Ylay ano ba! Kanina ka pa diyan!" sita sa kaniya ni Xand.
We're on our way papuntang garden kasi wala kaming teacher ngayon sa english. At kahit na sinabi na bawal lumabas, siyempre 'di kami nakinig. Naglakad kami patungo sa bench na malapit at umupo. At kanina pa ngumangawa si Ylay kasi di niya partner si Rach. Ang pinagtataka ko lang kung bakit ngayon siya nag-react?
"Magpalit na lang kaya kayo ng partner ni Ylay?" tanong ni Kanni kay Xand.
"Ewan!"
"Pero baka naman sabihin nila na gusto ko talagang maka-partner si Rach. 'Wag na lang, katabi ko na din naman siya eh," sabi ni Ylay sa amin.
Nagkuwentuhan lang kami at umuwi na after. Nahiga ako sa kama ko at iniisip ko na ngayon ako nagkaroon ng 'first ever conversation' with Hess. I just laugh with that thought.
YOU ARE READING
45 Days With A Jerk
Dla nastolatków"Can I stay with him 'til the end?" Start: October 9, 2018