Chapter 3 - Gusto Ko Ba?

31 6 5
                                    

Sai's Point of View:

Alas-sais na nang maka-alis ako sa bahay para byumahe papunta kena Lolo at Lola.

Simple lang ang suot ko, white v-neck shirt at nag pantalon tapos yung fila na white yung pangsapin ko sa paa... nagbaon din ako ng denim jacket gawa magva-van nalang ako papuntang Talisay pero sasakay parin ako ng jeep gawa wala namang nagsasakay na van papuntang Quiling.

Maliit na shoulder bag lang ang dala ko, nandudun na yung ipod at earbuds ko samantala naman nasa kaliwang kamay ko na nakasakbit yung jacket ko... mamaya ko nalang susuutin kapag nasa loob na ako ng van...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
After nung dalawang sakay ng van bumaba na ako sa mismong bayan ng Talisay, bago ako pumunta sa terminal ng jeep, sumaglit muna ako sa 7/11 para bumili ng gatorade nauuhaw na kasi ako tsaka bibili narin ako ng bubble gum, pagkatapos non ay pumunta na ako sa terminal at nag intay ng iba pang pasahero...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakababa na ako sa aming kanto at lalakarin ko nalang papasok.
__________________________________________

"Laaa? Tao poooo?"

Pag tawag ko sa mga ito para mapagbuksan ako ng pinto...

"Teka lang... sino ba yon?"

Rinig kong sabi ni lola...

"La, si Sai po ito"

Pagkasabi ko ng pangalan ko ay sabay namang bumukas ang pinto...

"Ay naku nga namang babaysot ka! Bakit di mo sinabi na bibisita ka? Edi sana nakapag luto na agad ako ng umagahan"

Wika nito sa akin, nag-bless naman ako dito at umupo sa may sofa...

"Hahaha! Biglaan ren po ang pagbisita ko dito eh^_^' "

Sabi ko dito habang inaalis ang aking sapatos...

"Ay nakakain ka na ga ng umagahan?"

Tanong nito sa akin,

"Opo, nasaan nga po pala si Lolo?"

"Anduduon sa iyong Tiya Janet, nangangatulungan, ako nga eh papunta na ren duon nauna na nga laang ang iyong Lolo"

Mahabang salaysay nito at umupo ito sa tapat kong upuan...

"Nangangatulungan? Bakit? Ano po bang meron doon at may handaan?"

Takang tanong ko,

"Abay diga't birthday ng iyong pinsan, ano ga ito, nakalimot ka na ata"

Sandali akong napaisip kung sinong pinsan ang sinasabi ni Lola....

"AHH! Si Kuya Janrey!"

Tumango naman ito...

"Kamusta naman doon sa Apartment mo? Malapit na ulet ang pasukan nakausap mo na ba ang iyong ina?"

"Ayos naman po ako doon... eh yun nga po, tungkol sa pag-aaral ko..."

Bigla naman itong napatingin sa akin...

"Bakit? Anong meron sa pag-aaral mo? Grade 10 ka na pagpasok diba?"

"Opo... gawa po may school na kumukuha sa akin...."

Panimula kong kwento kay Lola...

"Oh! Yun naman pala eh, anong problema don tsaka ano bang klaseng eskwelahan iyan?"

"Spencer Academy La... Isa siyang traning school para sa mga gustong mag-artista or yung mga may potential bilang maging artista ganon...Pinapapag-audition nila ako sa March **"

Nakatungo kong sabi dito...

Napatahimik naman ito bigla, tumayo ito at naglakad papunta sa kinauupuan ko at tumabi sa akin...

"Gusto mo ba?"

Napatunghay ako ng sabihin niya iyon...

Teka...

Gusto ko ba?

____________________________________________

Salamat sa mga nagintay ng ud😂 pavote na ren... tingan niyo magiging orange yung star pag pinindot niyo😂

-EN

Spencer AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon