Chapter 5-Papasok ka ren?

9 4 0
                                    

Third person's point of view;

Maagang nagising si Sai upang makapaghanda siya ng agahan para sa kanyang Lola at Lolo ngunit pagbaba niya sa kusina ay nakahain na ang mga pagkain sa lamesa.

"Mabuti't nagising ka na apo, aakyat pa sana ako para gisingin ka, halika't kumain ka na ng umagahan."

wika ng Lola niya,

"Ang aga pa po ah? Ba't po ang aga niyo naman pong magluto, ipagluluto ko pa naman po sana kayo ng umagahan"

Sagot naman niya sa kaniyang Lola,

"Ay pupuntahan ng iyong Lolo ang Tito Albert mo para kumustahin ang patupada gawa ang sabi ay may nawawalang kambing raw"

paliwanag namn ng kanyang Lola.

"Ay siya kain na ren po kayo La, para sabay na po tayong kumain"

tugon namn ni Sai habang nagsasandok ng kanin para sa kanilang maglola.

pinaghila namn ng upuan ni Sai ang kanyang Lola para makaupo.

"Anong oras ga ang iyong balik sa District 3?"

tanong ng kanyang lola habang nakain.

"Pupunta po muna ako sa may Parke para naman makapagisip-isip ako"

"Basta apo, Susuportahan kita sa magiging desisyon mo."

Tumango nalang dito si Sai at ng matapos na silang kumain ay nagligpit na ito ng plato.

At saka nag ayos naman para makapunta na sa may Park.

_________________________________________

Sai's POV;

Naandito ako ngayon sa may parke samin para naman ma-clear ko yung isip ko kung tatanggapin ko ba or hindi yung offer ng SA.

Umupo ako sa may bench sa ilalim ng puno, maaliwalas at walang tao akong nakikita sa paligid.

Ang tagal kong pinagmamasdan ang sobreng asa kamay ko ngayon ng biglang may humablot dito.

Nanlaki naman ang aking mata ng lingunin ko ang taong kumuha ng sobre ko,

(0_0)

"ALDOUS!"

Pagkasabi ko sa pangalan nito ay sinunggaban ko na agad ito ng yakap,

"Sai dahan dahan, hindi mo naman ako masyadong na-miss niyan no?"

Fudge! Aldous is my bestfriend, pamula bata magkasama na kami kaso nagmigrate yung family niya at ako naman ay nagpunta ng District 3 para dun mag-aral.

"Shems! kailan ka pa dumating?"

sabi ko sa kanya at umupo sa bench kung saan ako nakapwesto kanina.

"Nung isang linggo pa, nabalitaan ko nga na dumating ka daw kahapon, actually galing ako sa inyo pero sabi ni Lola naandito ka raw kaya ako nagpunta ako dito."

"Kamusta naman ang buhay? ghaad antagal na rin nating hindi nagkikita!"

"Ikaw ang kamusta, parang ang lalim ng iniisip mo kanina eh, ano ba tong sobre na to?"

sabi niya sakin at saka tinignan ang sobre na kanyang hinablot kanina,

Nangunot naman ang noo nito at tumingin sa akin,

"Papasok ka ren sa Spencer Academy? "

Ren? meaning papasok siya dun? huh?

"What do you mean by ren?"

Humarap namn ito sa akin at saka tumawa,

"Hahaha! Kaya ako umuwi dito para mag-aral sa SA at fudge! ikaw ren?!"

Whaaaat? So kung mag-aaral siya don meaning may makakasama ako right?

Btw, Aldous is one of hella-popular when we are still in middle school hindi lang dahil sa angking kagwapuhan nito, ito ay dahil sa magaling ren siyang kumanta't tumugtog ng gitara tsaka drums.

Kulot ang buhok nito at sobrang tangkad kaya naman marami talagang nagkakagusto sa lalaking yan, marami ring nnagshi-ship samin noon, di nalang namin pinapansin kasi magkaibigan lang naman kami although naging crush ko siya noong grade 2, pero wala na yun hahaha!

"Ayun nga eh. kaya nga malalim ang iniisip ko diba, nagiisip ako kung tatanggapin ko ba yung offer ng SA."

Paliwanag ko sa kanya,

"Ano ka ba Sai! Sayang yan kapag di mo tatanggapin tsaka ayaw mo nun magkasama na ulit tayo?"

Nga naman...

"Alam mo tama ka eh, ilang araw nalang ren at audition na, sayang at kailangan ko ng umuwi sa District 3 may tarabaho pa kasi ako, you know part time stuff"

sabi ko sa kanya habang patayo ng bench,

"Ganun ba? sayang naman gusto pa naman sana kita itreat ng lunch"

"Hahaha, Maliligo muna ako saka ihatid mo na rin ako sa termial after nating kumain,"

Tumango naman ito at sinabing,

"Intayin nalang kita sa inyo pagkatapos kong mag ayos, wala akong dalang sasakyan eh, akala ko nasa bahay nyo lang ikaw nakatambay"

"Libre mo ah, hahaha"

.

.

.

.

.

.

.

.

Habang naglalakad ako pabalik ng bahay, btw kasabay ko si Aldous kanina pero sa kabilang street yung kanilang bahay kaya magisa nalang ulet ako,

Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano kayang mangyayari ngayong sakin, sabagay mago-audition pa naman kaya hindi parin sigurado kung makakapasok ba talga ako.

well...

Good luck to us I guess?

__________________________________________

6:00 pm ng makarating ako sa aking apartment naggala pa kasi kami sa mall kaya medyo nalate ng uwi.

Pabagsak akong humiga sa aking kama at tinignan ang cellphone ko,

Pinalitan kanina ni Aldous ang wallpaper ko pati Lockscreen, Hahaha, laki talaga ng tenga non hahaha!Yoda.

Pinalitan kanina ni Aldous ang wallpaper ko pati Lockscreen, Hahaha, laki talaga ng tenga non hahaha!Yoda

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hayss... Let's call it a day, gusto ko ng matulog, napagod ako ngayong araw pero atleast, masaya naman ako at nakita ko ulit ang bestfriend ko.













Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spencer AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon