Sai's Point Of View
Teka... Gusto ko ba?
"Nasa iyo naman iyan pero kung ako ang tatanungin bakit ga ang hinde eh sa ganda mong iyan, sayang iyan kung hindi ko man lang makikita sa ating tv. Nga pala, tutal na nandidito ka na, mamaya ay sumama ka sa akin at tayo'y pupunta sa Birthdayan ng iyong pinsan, matutuwa ang iyong mga iyon pati ang tiyahin lalo na ang iyong Lolo, siya ako muna ay maliligo, diyan ka muna..."
Wika nito sabay tumayo at pumunta sa kanyang kwarto...
Hindi pa nga pala alam ni Lolo na nandidito na ako...
____________________________________________Nakabihis na si Lola at ako naman ay nag freshen up lang...
Umalis na kami sa bahay at pumunta na kena Tyang Janet...
Habang naglalakad kami papasok ng gate, rinig na rinig ko na ang ingay ng karaoke at mga nagsisiyahang tao...
Napatingin naman sa amin ang mga ito... I mean... sakin...
"WAAAAHHHH! KUYA JANREYYY! SI ATE SAIII NANDIDITO SA BABAAAAA!"
Tuwang-tuwa na sabi ng pinsan ko habang tinatawag ang kanyang kuya, siya nga pala si Jachi, bunsong kapatid ni Janrey, walong taon lang ang pagitan nila, samantala naman may isa pa silang kapatid, yun yung sumunod kay Janrey, si Jared, dalawang taon lang ang agwat nilang dalawa...
Magkasing taon lang kami ni Janrey pero sa September pa yung birthday ko kaya mas matanda ito sakin, hahahaha!
"ATE SAIIII!!!!"
Sigaw ni Jachi habang tatakbo sa akin at yumakap...
Napatingin naman ito kay Lola kaya nagmano ito dito...
"Iha, asan ang Lolo mo?"
Tanong ni Lola kay Jachi at itinuro lang nito ang kanilang bahay....
Habang nakatingin kami sa bahay nila biglang lumabas ang Kuya nitong may Birthday...
"UY! Sai! Long time no see! Wala bang pasalubong diyan! Hahaha! Lika dun tayo sa loob magkwentuhan,"
____________________________________________
Dun kami pumasok sa second door sa kusina
Pag kapasok namin don ay napalingon sa amin si tyang at ng mapadako sa akin ang tingin nito ay agad lumitaw ang pagkagalak sa kanyang muka....
"Abaaa, tingan mo nga naman kung sinong nandidito,"
Wika ni tyang habang ako naman ay lumapit dito at nagbless...
Nakita ko naman yung mga kaibigan o ka-amiga nga kung tawagin ng mga matatanda, ni tyang, ngumite lang ako sa mga ito at nagmano dun sa mga kakilala ko na gawa ninang ko yung iba dun eh....
Samutsaring mga komento ng mga ito sa akin,
Kesyo dalagang dalaga na daw ako....
Kesyo wag daw muna ako magbo-boyfriend at sayang daw ang ganda ko....
Kesyo nung huli pa daw nila ako nakita eh kakaliit ko pa laang....
Ang iba naman ay tinanong kay tyang kung kanino daw akong anak at kaganda...
Pagkatapos kong magmano ay biglang nagsalita si tyang Janet
"Mano muna ikaw sa Tiyo at Lolo mo dun sa may dirty kitchen bago tayo magkamustahan"
Nang magpunta ako sa dirty kitchen nakita ko ang Lolo at ang tiyo kasama ang mga kumpare ata niya na nagiinom.
"Lo!"
Tawag ko sa kanya.
Agad naman itong napalingon at agad nangunot ang nuo at naningkit ang mata,
"Abaaa, ang apo ko! Pagkakalaki mo na ah!"
Wika nito habang palapit sa akin, siyempre lumapit ren ako at aambain ko na sana ito ng yakap pero umiwass ito.
"mabaho ang lolo, wag ka na munang yumapos amoy baboy ako eh tsaka usok di pa ako nakakaligo."
Natawa naman ako dito. nagmano nalaang ako dito pati sa aking tiyuhin saka sinabing kadarating ko lang kanina umaga at kasama ko ang Lola pumunta dito.
Magkwe-kwentuhan pa sana kami kaso ay tinawag ako ni Jachi.
"ate Sai tawag ka doon sa loob."
"ay siya Lo, don muna ako"
paalam ko kay lolo at sumunod na kay Jachi.
Habang naglalakad ako naisip ko na naman yung School na gustong kumuha sakin...
_______________________________________________________
Nagkwentuhan lang kaming magpipinsan maghapon at kinakausap yung mga dumadating na bisita. Katulad na lang nung mga kaklase ni kuya Janrey. Panay ang tanong sa akin kung pinsan ko daw ba talaga si Janrey bakit daw hindi ko kamuka. May itsura naman ito kase tulad ng sabi ko japanese si lolo kaya may lahi din silang magkakapatid pero sadyang iba ang aking mukha siguroy dahil may lahi ren ang aking ama. Niyayakag pa nga ako ng mga ito mag gala pero tumanggi ako, galing pa ako sa District 3 sabi ko sa mga ito kaya naman nagulat sila ang akala kasi nila ay dito ako nagi-stay kaya naman pagod na ako buong maghapon. Kaya namn di na nila ako pinilit.
Buong maghapon ren akong nagiisip kung ano ba ang dapat kong gawin kase sayang rin yon.
Bukas ang uwi ko sa aking Apartment nakatawag na namn ako kay Sir na di ako makaka pasok bukas gawa dito na ako sa Quiling pinatulog at delikado na raw kung ako ay bya-byahe pa at malalim na sa gabi.
_____________________________________________________________________
Yan na guysss! Ano kaya ang desisyon ni Sai?
Thank you sa mga nagbabasa!
Hi ParkKoLin Chie3004!Don't forget to vote!
BINABASA MO ANG
Spencer Academy
Teen FictionSpencer Academy is only for a person who have passion and dream to become an artist.... In this Academy you can experience a lot.... If you can't stand on what they say.... then... youre WEAK! And the Most heartbreaking scene is yung unti-unti kayon...