apat na grupo na selfish...palagi kasiyahan ang nasautak o d kaya ay magpaasa o manakit ng babae..cla ung kinakabaliwan ng mga babae at bakla sa school at cla ung kinatatakutan sa campus.
Alexander lopez. Ang leader ng grupo at ang pinaka bad boy sa kanilang lahat. Siya 'daw' yung hari ng school kaya tinitingala siya ng halos lahat ng mga studyante. Gwapo, mayaman, sikat, habulin ng mga babae at ang Captain ng basketball team. Siya ang numero unong bully sa school namin, mapang asar at napaka yabang. Malakas mag yosi at uminom ng alak. Siya yung taong pinaka kinaiinisan ko sa lahat.
Jerwin Montefalco. Siya ang best friend at palaging kasama ni Alexander. Cute, mayaman at sobrang kulit. Siya ang wonanizer sa kanilang apat dahil siya ang pinaka mahilig sa mga babae at ang 'boyfriend ng campus' dahil sa dami ng girlfriend niya. Napaka dami na niyang babaeng pina iyak. Isa din siya sa kinaiinisan kong tao sa school.
Jonathan Ford. Siya ang basagulero sa kanilang apat, walang alam kundi makipag away. Gwapo, mayaman, sobrang mapang asar at kinakatakutan sa school. Hindi lang siya sa school expert mang bully pati sa buhay ko. Unfortunately kapatid ko siya, mahal ko siya pero naiinis din ako sakanya.
Arjhay Gonzales.Siya ang huling kukumpleto sa grupo nila. Siya yung silent type sa grupo nila na parang may sariling mundo palagi. Gwapo, masunget tska snobero. Sabi nila siya daw yung pinaka player sa kanilang apat pero hindi ako naniniwala kasi crush ko siya eh. Ang galing galing niya kasi kumanta tska napaka gwapo pa. Siya lang ata yung gusto ko sakanila.
Ako?
Ako si Alexandra Ford
Im just a nobody..
Nerd..
Weird..
Forever alone..
Kaso lang lahat yan nag bago, yung tahimik kong buhay. GUMULO!
Lahat yun kagagawan ng FOUR BAD BOYS