FB notification
Alexander Lopez added you as a friend
Jerwin Montefalco added you as a friend
Arjhay Gonzales added you as a friend
Waaaaa!! anong kalokohan to?! bakit nila ako inadd sa FB? yung tatlong SIKAT sa school namin, i aadd ang isang nobody na katulad ko?
Tska bakit sabay pa sila ha! hmm.. add ko ba? NO WAY! bakit ko yan i-add? hindi pa ko nababaliw, pero paano na lang si Arjhay? ang tagal ko siyang gustong maging friend sa FB pero hindi ko magawa kasi nahihiya ako. AHHH!!! bakit pa kasi sumali si Alexander, kung wala siya, okey na sana eh. Hindi ko naman pwede i-add lang si Arjhay, mahahalata ako, at ayoko din i-add si Jerwin! womanizer yan eh!!
Teka nga... kay Alexander lang naman ako inis eh, at kapag inaccept ko yung dalawa, at siya hindi, sigurado akong ma aasar yun!! WAHAHAHA! tama. That way friend ko pa si Arjhay.
Alexandra ford is now friends with Jerwin Montefalco and Arjhay Gonzales.
Gusto ko sanang i stalk yung profile ni Arjhay eh, kaso.. wag na lang.. baka may hindi pa ko makitang maganda eh....
Naligo ulit ako, sobrang init eh, paano kasi andito si Arjhay eh,yung eight pack abs niya, yung brown eyes niya, yung ngiti niya,yung braso niya, pati yung messy hair niya!waaa shete! witwiw! SEXY! Nag madali ako maligo kasi naramdaman ko na, nagugutom na ko.
Pag labas ko ng cr sa kwarto ko, waaaa!! si andy! kagat kagat yung panda na undies ko! "cutie!! ibaba mo yan!!" "roooo!" "Bad dog! akin na yan.." lumapit ako sakanya, pero tumakbo siya palabas, naalala ko nasa sala pala sila tokmol, waaaa! baka makita nila yung undies ko! anong gagawin ko?! kinuha ko agad yung towel ko tapos pinulupot ko katawan ko, sa pag mamadali ko hindi na ko nag suot ng damit. "ANDY!!!" "Witwiw.."
Wha?Nakita nila ko, naka tapis lang... paalis na pala sila! pag baba mo kasi ng hagdan andun yung pintuan, unlike sa sala na may seperate na kwarto. Ang malas ko naman "Hoy panget! anong scandal yang ginagawa mo?! mag suot ka nga ng damit!" lahat sila nakatingin sakin, at itong Alexander parang minamanyak ako sa isipan niya!! waaaaa!! nakakainis naman. Nung tumingin ako kay Arjhay, umiwas siya ng tingin sakin, ang gentleman talaga unlike dun sa isa.
"Ingat kayo.." sabi ni mama mula sa likod ko, "Oh my Ghad Alexandra! bakit naka ganyan ka sa harap nila?" "Inaakit kasi ako eh.." pabulong lang sinabi yun ni Alexander pero rinig na rinig ko pa din. "Hoy anong inaakit kita?! kapal mo Alexander!" "Ano?" Lahat sila nag tanong. "Sabi kasi ni Alexander inaakit ko daw siya!
hindi naman eh! kasi si andy ano.." "Hoy panget! wag ka nga mag pahalata na may gusto ka kay Alexander!" hindi ba nila narinig? Sigurado akong narinig ko yun!! at ako may gusto sa nilalang na yan?! YUCK EWWW! "Sige na, umuwi na kayo, ako na bahala kay Alexander.. Ingat kayo!" "Thank you po tita Alexa.." lahat sila nag paalam na. Hinarap ko si mama ang sama ng tingin. "Ikaw babae ka, ganyan mo ba gustong makuha si Arjhay Ghad baby! ang panget tignan!" "Mama! hindi po! kasi si cholo kinuha yung undies ko, natakot ako makita nila tokmol kaya tumakbo agad ako pababa, hindi na ko nakapag bihis.."
ARGHHH!!!!!! I HATE THIS DAY...nakita pa ni arjhay yun...sana nakalimutan na niya yun.