Nakatayo lang ako dito, naka tanga. Ano ba
yung nangyari? may humila sakin papasok
dito sa janitor's room tapos hinalikan ako.
HINALIKAN AKO?!
Sino naman hahalik sakin at bakit niya
gagawin yun? Kaylangan ko malaman kung
sino yun! Kelangan ko siyang habulin.
Nahirapan ako lumabas dahil hindi naka
galaw ng maayos yung mga paa ko sa
sobrang gulat. Paglabas ko ng janitor's
room, hinanap ko agad yung lalaki na
humalik sakin.
Wala namang tao dito, teka! mali ako, meron
pala. Nakatalikod siya sa akin at nag lalakad
palayo. Hinabol ko siya tska ko siya
sinigawan.
"HOY IKAW!"
Pag kaharap niya sakin, nanlaki agad yung
mata ko. Siya nga ba talaga?
SI ALEXANDER LOPEZ?Si Alexander pa yung humalik sakin? Siya lang
naman yung tao dito eh, hindi naman
pwedeng mawala agad yung lalaking humalik
sakin sa loob. Pakiramdam ko may kung
anong bagay na bumagsak sakin. Hindi
pwedeng sa isang katulad niya mapupunta
yung unang halik ko. Sa isang napaka
samang lalaki, mayabang, arogante, basta sa
isang bad boy.
"Kapatid ni Jonathan! anong problema mo
ha?!" tinatanong pa niya kung anong
problema ko? Nang iinsulto ba siya?
"Bakit mo ko hinalikan?!
Nanlaki yung mata niya, parang nakakita
siya ng multo. Maya maya bigla siyang
tumawa ng malakas, napahawak na nga siya
sa tyan niya eh.
"HAHAHAHA!! ikaw hahalikan ko?!"
"Wag kang tumawa! hinila mo ko dun sa
janitor's room! tapos.. tapos.." gusto ko
sanang sabihin na 'HINALIKAN MO KO!' kaso
pinigilan ko na yung sarili ko. Maiisip ko pa
lang na hinalikan niya ako kinikilabutan na
ko.
"Ang sama mo!" sinuntok ko siya sa dibdib
niya, kaso ang tigas pala talaga, feeling ko
ako lang nasaktan. Sa inis at asar ko napa
iyak na ko. Buiset na lalaki 'to! napakasama
talaga niya.
"Hoy nerd na sobrang panget! wag ka ngang umiyak
sa harap ko! wala akong ginawa sayo! ASA
ka pang hahalikan kita! EW!" wala akong
paki alam sa mga sinasabi niya. Siya yung
humalik sakin! hindi ako pwedeng mag
kamali.
"Anong nangyayare dito?!" lumapit samin si
Kuya Jonathan.
"Kausapin mo nga tong kapatid mo Jonathan,
ang lakas mag ilusyon eh."
Hinila ako ni kuya papunta sakanya at nakita
niya akong umiiyak. Kahit Aso't pusa kami,
ayaw niya akong nakikita na umiiyak.
Hinawakan niya yung braso ko. Tinignan ko
siyang galit na galit, ako naman parang
tangang umiiyak pa din."Anong problema Alexandra?"
"Si.. Si Alexander!! hinalikan ako eh!!"
Ngayon ko lang napansin na lahat pala
silang apat andun na, pati mga classmates
nila. Great. Ano to show?! please lupa kainin
mo na ko ngayon, sana pala hindi ko na lang
sinabi ng malakas yun. Sana hindi nila
narinig yun pero mukhang dinig na dinig nila
yung sinabi ko.
Lahat sila natahimik, tapos nag tawanan.
"Alexandra, may sakit ka ba?" hinawakan niya
yung noo ko. "Alam kong matinik tong si
Xander sa babae, pero never kang hahalikan
niyan! HOT GIRLS ang tipo niya eh. Tsk,
gutom lang yan." ah ganun? wala na akong
karapatan na halikan? porket ganito ako?I HATE YOU KUYA JONATHAN!!!!
Umalis ako dun na umiiyak. Ang sasama
nila! hindi ko naman sasabihin yun kung
hindi naman talaga yun nangyari. Hindi ako
isa sa mga fangirls ng alexander na yun para
mag ilusyon at gumawa ng kung ano anong
kwento. Kung pwede nga lang hindi ko na
siya makita eh.sana Hindi na lang siya pinanganak ng mama niya.