Chapter 3:Principal office

377 5 0
                                    

"Hoy STELLA! bitawan mo nga siya!"
Si ARJHAY? Nanaginip ba ko?
"Bakit Arjhay?! wag kang maki alam dito!"
"Gusto mo bang magalit sayo si Jonathan?"
nakatingin lang ako sakanya, pinag tatanggol
niya ba talaga ako?
"Damn you!" binitawan ako ni Stella.
"Pasalamat ka, kapatid ka ni Jonathan!"
Umalis na siya kasama yung mga alipores
niya. Pati rin yung mga tao sa paligid namin
nag si alisan na. Wala ng tao, ako na lang at
si Arjhay! Shete! bumibilis ata tibok ng puso
ko, napapalunok na lang ako.
"Ah.. sa-salamat Ar-Arjhay."
Nakakahiya naman na uutal utal pa ko.
Hello? first time ko kaya siya kinausap. Wah!
sobrang nakakahiya yun pero hindi niya
naman ako pinansin eh, nag lagay lang siya
ng earphone sa tenga niya. Snobero talaga
ng gwapong nilalang na 'to. Wapakels na
lang, eh anak ng tinapa ang saya ko eh!
kung totoo man na tinulungan niya ako o
hindi, masaya pa din ako! Mag iilusyon na
lang ako na pinag tanggol niya ko! wahaha.
Kahit papaano pala.. hindi ako ganun ka
malas.
Gusto kong pumunta ng library, kaso hindi
nga ko nakakain kanina. Eh gutom na gutom
na ko atbuti may baon ako na sandwich
dito. San kaya ako kakain na walang tao?
kung sa canteen, ang daming tao dun, pag
ti-tripan nila ako, ngayon pa! Grr!! naalala ko
na naman yung video na yun. Kung sino man
nag pakalat ng video na yun, wala siyang
kasing sama. Huhu! ang sama sama niya
para ipagkalat pa yun. Pumunta na lang ako sa likod ng building
namin, aba garden pala to. Walang tao dito,
eh sino ba naman gusto dito? walang
kabuhay buhay kahit pa sabihin na
madaming halaman eh.
Sumandal ako sa may puno, yun oh! parang
naka hanap ata ako ng mas peaceful life.
Ang sarapa dito tahimik--
"AHA!"
"Ay palaka ka!" nakakagulat naman muntik
na ko atakihin sa puso ah.
"Ako mukhang palaka? Sa GWAPO ko na
'to?!" aba ang yabang! pag ka tingin ko,
hindi na ko nag taka kung bakit ang hangin
niya. Wala talagang kasing yabang neto ni
Alexander.
"Haha ikaw gwapo? pagkalat mo!"
nakakainit siya ng ulo.
"Pagkakalat ko pa ba? eh alam na naman ng
lahat na napaka gwapo ko." ay sorry siya
kasi ako hindi ko alam eh. "Sabi ko na nga
ba may gusto ka sakin." gusto ko siya?! at
saang lupalop naman niya nakuha yung idea
na yun?
"Excuse me?" tinaasan ko siya ng kilay, wala
na akong paki alam kung isa siya sa APAT,
eh kaming dalawa lang naman dito eh at isa
pa sinimulan na naman niyang i-BULLY ako,
hindi na ako mag papatalo. "Wala akong
gusto sayo."
"Patay malisya ka pang panget na nerd ka.
Kaya nga andito ka sa tambayan ko di ba?"
ngumisi siya sakin. "Stalker kita nuh?!"
"Stalker mo ko? HAHA! ayos ka din mag
joke ah!" tinarayan ko siya. "Malay ko bang
tambayan mo 'to! kung alam ko lang hindi
na ko pumunta dito!" Nakakinit siya ng ulo,
napapasigaw pa ako dito. Kelan pa ba ko
nakipag away maliban sa kuya ko? to think
na ang inaaway ko ngayon ay si alexander.
Si ALEXANDER LOPEZ, ang pinaka bad boy sa
lahat ng bad boy. Kaso hindi ko din masisi
yung sarili ko, nakakainit naman kasi talaga
ng ulo 'to si Alexander eh. Lumapit siya sakin, malapit na malapit. Yung
mukha pa niya nasa tapat na nang mukha
ko. Jusko! ano na namang gagawin niya?!
"Alam mo kung gusto mo ko sabihin mo lang
hindi yung gumagawa ka pa ng kung ano
anong storya, tapos susundan mo pa ko
dito? Kung gusto mong halikan kita.."
Lumapit na naman siya sa mukha ko, tinulak
ko siya papalayo. Kahit na ang laki laki
niyang tao, pinilit ko siyang ilayo sakin.
PERVERT!
Tumayo ako. "Bastos!"
"Ako bastos? Haha! if I know baka gusto mo
pang may mangyari satin?!" sinampal ko
siya. JERK! ano tingin niya sakin? B*itch!
Wag niya ko ihahanay sa mga babaeng naka
one night stand niya. May mangyayayari
samin? Ew yuck! Ano ba kasing pag iisip
meron siya?

ME AND THE BADBOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon