YMWD:Chapter 3

757 18 2
                                    

"Ang sakit na ng ulo ko ni isa ba sa inyo wala man lang tutulong sa kin hahh!! " sigaw ko

"Di ba leader ka so gawain mo yan! " sabi ng mga kagrupo ko

Nandito kasi kami sa school last day na namin hysss nakakainis!! Kailangan na namin ipresent ito pero sila pachill  chill lang na parang hindi kami nagagahol sa oras

Kapag hindi namin ito napasa today hindi namin makukuha ang card kaya nga aligaga akong asikasuhin

"Leader nyo nga ko,  ang ibig sabihin ng leader,  maglead sa grupo hindi kanyahin lahat ng gagawin, hindi lang naman ako ang makikinabang sa project na ito hah! "

"Lizet bakit mo sinisigawan ang pamangkin ko? " tanong ng masungit naming adviser sa science at nanlilisik ang mga mata at nakataas ang isang kilay sa akin

Tinitigan ko naman sila ng masama
"Sino ba namang matutuwa sa impakta mong pamangkin"

"Mas mukha ka pa kayang impakta kaysa kay tilda!! " sigaw ng mga kaklase ko at nagtatawanan

"Ang ganda ganda ko kaya kaysa sayo noh" sabi nito at tinitigan ako mula paa hanggang ulo at mula ulo hanggang paa kung makatingin sya para lang akong insektong kailangan tirisin

"Bakit ako nanaman dito ang mali hah? Ako na yung gumawa sa projects namin sa Math ako pa rin ba sa science? Tanginang buhay ito ano yun taga salo ng mga paghihirap habang sila nagpapakasarap, kung yung mga oras na sinasayang nyo sana sa pagpapaganda,  sa mga pambabae nyo e kung itinulong nyo na lang sana sakin,  tangina hindi nyo ba nakikita itong mga eyebug na ito hah, ako na lang lagi. PUTANGINA TALAGA!! " sigaw ko sa isipan ko

"Ano? Hindi pa rin ba nagfufunction sa utak mo na isa kang Ugly Duckling hahahahah" muling tawanan nila

Kung hamunin ko na lang kaya ang mga ito sa suntukan kakayanin kaya nila ko?

"Oo panget ako atleast di kasing panget ng ugali nyo!! Lalo ka na" sigaw ko sa lahat at tinuro si tilda

Sinabunutan naman ako ng teacher ko

"huwag na huwag mong sinasabihan ng ganyan ang pamangkin ko"

"Bakit totoo naman hah,  mana sya sayo parehas kayong panget ang ugali mas masahol pa kayo sa pinakapanget sa buong mundo"

Mas diniinan pa nito ang pagkasabunot sa kin
Naluluha na ko kuya ate huhuhu tulungan nyo ko huhuhu

"Isusumbong ko kayo sa dean ng school huhuhu" sabi ko at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko

"Sumbong mo, hindi ako natatakot akala mo ba matatakot ako excuse me ms.figueroa kakampi ko ang lahat ng kaklase mo baka nga ikaw pa ang makickout" tinitigan ko naman ng luhang luha ang mga kaklase ko

Parang tuwang tuwa pa sila na nakikita kong ganito

Ano bang ginawa ko? Anong maling nagawa ko huhuhu

"Bagay lang yan sayo malandi ka hahah sa tingin mo talaga magugustuhan ka ni ghon?  Iww mandiri ka sa sarili mo"

"Ang bobo mo naman pala kung inaakala mo yun"

"Your freaking crazy girl hahaha"

"Kahit saang anggulo hindi ka nya magugustuhan"

"Para kang basahan na madungis na halos itapon na sa basurahan,

"WALANG MAGMAMAHAL SA KAGAYA MO!! "

Hanggang ngayon pa rin pala yun pa rin yung isyu nila sa kin

Nakalimutan ko itong magtita na ito may gusto kay ghoncyr kaya mainit ang mga dugo nila sa kin

Ang pagkakamali ko ng dahil dito, pati nanahimik na buhay ko bilang isang nerd na walang class binulabog

You're My Worse Destiny ✔[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon