YMWD:Chapter 54

306 11 5
                                    

"Bojo di mo ba talaga nakikita si lorein dyan..  Limang taon na syang nawawala ang buong akala namin nasa ibang bansa pa sya pero sabi ng mga kaibigan nya matagal na syang bumalik ng pilipinas"

"Hindi nga bro promise at you know your daughter hayaan mo at lalabas din yan at wag ka ng magaalala .. Tatanungin ko si tyron tungkol dyan"

"Please do it bro..  Nagaalala na ang mommy nya sa kanya"

"Hahaha kahit kailan talaga sakit sa ulo ang anak nyo"

Nandito ko sa harapan ng kuwarto ni daddy

Malakas kong binuksan ang pintuan na tila nagdadabog

Napatigil naman si daddy at agad na binaba ang kanyang cellphone

Binungad ko sa kanya ang galit na galit na pagmumukha ko

Gabi na rin at sakto kakadating lang nila galing sa business trip

"Anak anong problema"

"Di na ko magpapaligoy ligoy pa..dad..  Tanggalin mo ang nurse sa clinic at ang mga walang kwentang nagmomonitor sa cctv..lahat sila gustong kong patalsikan sa D.U"

"Teka bakit ko naman yan gagawin? "

"HIN.DI.NILA.GINA.GAWA.ANG .TRA.BA.HO.NILA " bawat salita ay nilalagayan ko ng diin

Napabuntong hininga naman sya
"Pag hindi mo sila tinanggal susunugin ko ang unibersidad mo"

"Ok fine " sabi nito

At ako naman padabog na umalis sa kuwarto nya

Nakasalubong ko naman si rodolf

"Kuya"

"Ohh bakit? "

"Kuya kilala ko na kung sino ang nanakit kay lizet"

"At paano mo naman nalaman? "

"Cause i have so many source unlike you puro ka karahasan" sabi nito sa kin
"At nagpatawag na ko ng isang gang war i know naman na yun yung uutos mo sa kin bukas na bukas din.. kilala ko na ang takbo ng utak mo kuya"

"Good job humanda sila magsisisi sila na dapat hindi na nila yun ginawa" seryosong sabi ko
__________________________

"Ate lizet? "

"Ohh bakit?" sagot ko nasa hapag kainan kasi kami

"Sorry ate kung hindi kita nagawang ipagtanggol" bulong nito

Inapakan ko naman ang paa nya

Gago sya kung marinig sya ni mommy at daddy paniguradong magagalit sila

"Owtss" sigaw nito at napatayo

Napansin naman iyon nila mommy at daddy

"May problema ba carlmond? "

"Nothing tito may insekto lang na nanipa sa kin"

"Insektong naninipa? " tanong ni daddy

"Ahmm i mean nangangagat" mabilis na alibay ni carl

"Ate bakit mo naman ginawa yun" bulong muli ni carl

"Pag talaga nalaman ni mommy at daddy ang nangyari hyss lulumpuhin kita" bulong ko rin sa kanya

Nakakapagduda nga eh bakit kaya hindi sinabi ni ate grace kila daddy ang nangyari

O baka dahil mas gusto nyang sa kin na mismo manggaling

Ayy basta naninibago talaga ko sa aura nya

Hindi naman sa pagdududa hah pero parang ganun na nga

You're My Worse Destiny ✔[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon