Pangako

17 0 0
                                    

Bakit biglang nawala?
Bakit biglang naglaho lahat ng liriko sa aking kanta?
Bakit biglang iniwan ang puso kong kayang kumapit pa?
Bakit biglang nagbago ang nararamdaman tungkol sa pag-asa?

Kailan nga ba tayo bumitaw sa pag-ibig na akala natin ay tatagal?
Kailan nga ba tayo nagkamali at biglang nasakal?
Kailan nga ba tayo hindi na nag-usap?
Kailan nga ba tayo nawalan ng kislap?

Hindi naman kasi dating ganito
Hindi naman kasi laging pinaglalaban kung ano ang nasa puso,
Wala rin naman kasing nagkusang ayusin ang mga bagay na nasira at naglaho,
Wala naman kasing lumaban kaya bigla tayong natalo.

Hanggang dito nalang ako.
Kung hindi kayang suklian ang pag-ibig
na alay ko
Aalis na lamang at magtatago
Dahil hindi lahat ng umiibig ay gustong lumaban

Hindi lahat ng nagmamahal kayang ipangako na hindi ka iiwan.

MelancholyWhere stories live. Discover now