Mahal kita pero tama na

5 0 0
                                    

Naaalala mo pa ba kung paano tayo nag simula?
sa kung paano tayo napapangiti sa mga kwentuhan nating dalawa,
sa mga masasaya nating ala-ala,
yung malulungkot nating ala-ala,
yung mga panahong mahal pa natin ang isa't-isa

Naguguluhan ako,
naguguluhan ako dahil sabi mo mahal mo ako,
hindi ko ramdam yung mga salitang binitawan mo,
hindi ko ramdam yung "I love you" mo,
hindi ko ramdam na mahal mo ako,

Naalala mo pa ba yung mga pangako mo saakin?
yung pangako mo sakin na tayo lang?
yung pangako mo sakin na ako lang?
yung pangako mo na hindi mo ako iiwan?
yung pangako mo sakin na hindi mo kayang mawala ako?
yung mga pangako mo na pinako mo lang.

Mahal kita kaso ramdam kong may nag iba
Mahal kita kaso alam kong wala na,
mahal kita kahit sabi mo pwede pa,
mahal kita pero tama na.

MelancholyWhere stories live. Discover now