Katangahan

26 0 0
                                    

Bakit sobrang tanga ko
Parang hindi na ako to
Gusto ko ng lumayo sayo
Kaso nagpipilit 'tong pagkatao ko

Maraming nangyayaring di ko akalain
Tuloy parin sa pagchat kahit siniseen
Ayaw ko na sana ulit itong gawin
Ngunit di ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin

Nagmumukha na akong tanga
Pero sino nga ba ako? Para alalahanin mo pa
Simula palang wala ka nang paki di ba?
Pinakilig mo lang ako't pinaasa

Yan ang aking problema
Sinaktan na nga tuloy pa
Ang tanga ko talaga
Lalong lumala nung akoy iwasan mo pa

Kahit pilit kong pigilan
Nais ko paring tayo'y magkwentuhan
Kaya laging inaasahang iyong rereplyan
Sa mga mensahe kong hanggang seen lang naman

Lagi-lagi paulit-ulit nalang
Kailan kaya ako matatauhan
Sarap ibagok ng ulo ko sa pader ng tahanan
Gusto na kitang tigilan

Ayaw ko nang maging tanga
Nakakapagod kasing maghabol pa
Nakakapagod ipagsiksikan ang sarili sa pagitan ng dalawa
Kaya ako'y susuko na

Nahihirapan na ako
Pilit pinipigilan ang sariling lumapit sayo
Sawa na ako sa mga pagtataboy mo
Baka sakaling sa paglayo ko'y makikita mo ang halaga ko.

MelancholyWhere stories live. Discover now