Hindi na Kagaya ng Dati

24 0 0
                                    

Noon at Ngayon ay magkaiba
May bagay na Kay sarap ibalik pa
May mga alaalang napakasaya
Noon at Ngayon ay sobrang magkaiba

Mga kaibigan ko
Kung naaalala niyo pa?
Dati nating pagsasama
Ang saya hindi ba?

Dati ang saya ng pakikitungo niyo
Dati walang away at walang gulo
Dati nagmamahalan tayo
Dati walang hinanakit ang puso niyo

Dati yon
Pero ngayon
Bigla kayong nagbago
Nagbago ang pakikitungo niyo

Magmula no'ng nagkamali ako
Tila ba parang nag-iba kayo
Di naman ako bobo
Para di mahalata ito

Nakakalungkot lang isipin
Na sa isang pagkakamaling aking nagawa
Mawawala na parang bula!
Lahat ng kabutihang aking nagawa.

Pero nando'n parin naman
Ang ating pagkakaibigan
Pero gaya ng sabi ko
'Hindi na Kagaya ng Dati' ito

MelancholyWhere stories live. Discover now