Prologo

1.5K 57 17
                                    

Nakatayo ako sa loob ng mala-palasyong mansyon; kumikinang ang sahig, may mga gintong ornamento nakadisenyo sa paligid at amoy na amoy ang mabangong rosas mula sa malawak na hardin.

Kung hindi lang ako nakapang-suot ng maid outfit, feel na feel ko na ang pag mamala- prinsesa sa lugar na ito.

"Nandito na si Young Master!"  Sigaw ni miss Terry; ang matandang dalaga na nangangasiwa sa mansyon.

Pangalawang day ko palang bilang katulong. Kaya medyo naguluhan ako ng nagkakandarapa ang mga katulad ko para bumuo ng dalawang linya, pumapagitna sa red carpet.

"Hoy anong ginagawa mo? Pumila ka rin!" Aya sa akin ng isang katulong na mukhang ka-age ko lang naman. So I stood in line with them, habang may hawak na orange juice.

Young master? Ang paparating ba ay isa sa dalawang anak ng mayamang may-ari ng mansyon?

Lahat ng maids ay nakayuko. Pero dahil pasaway ako, pasimple akong sumilip para makita ang lalaking may ari ng yayamaning sapatos na naaninag kong paparating.

Oh my gosh! Hindi ako makapaniwala na may kasing gwapo niya na talagang nag-eexist sa mundo!

Parang slow-mo ay pinanood ko ang matangkad na lalaking papalapit. He is wearing a loose black silk shirt na malamang ay mas mahal pa sa pang isang buwan kong sahod. Blonde ang buhok nya at kahit na moreno siya ay bumagay ito sa naka-arko niyang kilay. And his eyes? They are deep, sharp, sexy and catastrophic. At ngayon na mas malapit na siya sakin ay nakita ko ang kulay silver niyang mata and his sharp jaw. He is the definition of the word handsome.

Tumigil siya sa harapan ko. "Para sa akin ba ang juice ba hawak mo?"

Juice? Sino ang tinutukoy niy-- AKO NGA PALA ANG MAY HAWAK NG JUICE!

"P-Po?" Sa sobrang pagkataranta ay napasagot ako ng, "opo." Kahit na hindi naman talaga para sa kaniya 'to. Ang tanga lang kasi e.

"Oh really? Then hand it to me," ang utos niya. Napansin ko ang kaniyang pagngisi habang inilalahad ang kamay.

Yumuko ako  bago iniabot ang isang glass ng orange juice. Pero iniiwas niya ang kamay kaya naman nalaglag ito at tumapon sa paa niya.

"Oops. Dumulas sa kamay ko," he mocked with a smirk.

"Naku po! Jilly! Ano bang ginagawa mo? Master Jun pasensya na. Bago lang po siya rito," ang paumanhin ni miss Terry. Pero wala naman akong kasalanan! Siya ang umiwas sa juice!

Itinaas niya ang kamay bilang pagpigil. "Okay lang. Dalhan niyo nalang ako ng panibagong juice sa kwarto ko."

"Masusunod po young master. Jhona, dalhan mo si--"

Muli niyang itinaas ang kamay na para bang sa isang pitik niya ay kontrol niya ang bawat galaw ng mga tao. "Siya ang pagdalahin mo." Sa isang iglap ay nakita kong nakatapat ang kaniyang hintuturo sa mukha ko.

Mukhang mapapasubo ako sa gulo sa ikalawang araw a. Badtrip naman!

Naglakad palayo ang young master, na sa pagkakarinig ko ay Jun ang pangalan. Patago ko siyang sinamaan ng tingin. Totoo ngang walang perpekto sa mundo. Mayaman nga siya, matangkad at gwapo, pero pilyo. Ano naman kaya ang mapapala niya kung ipinahiya niya ako sa lahat?

"Pangalawang araw mo pa lang dito pero gumawa ka na ng gulo?" Pangangaral ni miss Terry.

Gusto ko sanang ipangatwiran na wala akong ginawang mali. "Sorry po," pero ito nalang ang nasabi ko.

Young MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon