Chapter 5

731 34 31
                                    

Sa bandang kaliwa ko ay mayroong round tea-table and silver tea-kettle. Sa isang maliit na tray ay nakalagay ang mamahaling mga tasa at gintong kutsarita na may nakaukit na dragon.

Lahat talaga ng bagay sa mansyon na ito, ay higit pa sa halaga ng ilang taon kong pagtatrabaho.

"Oy! Gagawa ka ng cupcake?! Patikim patikim!" Sigaw niya.

Tumingin ako sa lalaking paparating sa loob ng kusina.

"Hi Sam!" I greeted, wearing my maid outfit while he is wearing his toxido.

Si Sam ay isa sa mga butlers na nagtatrabaho rin dito. Mabait siya, friendly at matulungin. Iyon nga lang, masyado siyang madaldal, tipong kada minuto di sya nawawalan ng topic. Buti nalang cute siya.

Siyempre bukod sa pagiging cute, sobra akong namangha kung gaano siya handang tumulong kapag nagigipit ako o kaya naman ay may problema. Butler Sam is a good friend.

"Hindi ako gumagawa ng cupcakes. Nagtitimpla ako ng tsaa," ang sagot ko bago pinakita ang tea-bag na hawak.

Agad naman siyang napanguso dahil sa pagkadismaya. "Ano ba yan. Lasang lasa ko na yung asukal sa dila ko," reklamo niya bago umupo sa lamesa at pinanood ako sa pag gagawa ng tsaa.

"Gusto mo ng tsaa?" Alok ko.

Umiling siya na parang batang inalok mong kumain ng gulay. "AYOKO nga, mapait 'yan. Di ko maintindihan ang mga tao na mahilig sa mapapait na pagkain. I mean... bakit ka magtitiis kumain ng gan'un?"

Bahagya akong napatawa. "E kasi, kailangan daw ng kaunting pait sa buhay ng mga tao."

Napasimangot siya ba parang nandiri sa sinabi ko. "Hugot?"

"Hindi ako mahilig sa hugot no," sagot ko bago humigop ng tinimplang tsaa.

"Sa kiss ka lang mahilig?"

Naibuga ko ang iniinom dahil sa biglaan niyang tanong. Dahan-dahan ko siyang tinignan at nakita ang seryoso niyang mga mata.

Nagtitigan lang kami ng ilang segundo.

Sam is not a serious type of a person. Palagi siyang nagbibiro at nang-aasar. Kaya ito ang unang pagkakataon na mag-seryoso siya ng ganito.

Di ko man alam ang nasa likod ng tanong niya ay nanlalamig na ang aking mga kamay.

Ibinaba ko ang hawak na tasa, nananalanging nagbibiro lamang sana siya. "A-Anong kiss ang sinasabi mo?" Nabubulol kong tugon.

Bahagya siyang lumapit sa akin, face is already an inch away from me. Napalunok pa ako nang bumukas ang kaniyang labi at naghanda na sa maririnig pero...

"Ahhh!" I winced in pain after he flicked my forehead. "Aray!"

"Parusa mo 'yan," bulong niya.

Sa sobrang inis ay inihanda ko ang kanang kamay para gumanti. "Hoy, ipapakita ko sayo kung paano ang tamang pagpitik sa noo. D'yan ka lang!"

Pipitikin ko na sana siya nang hawakan niya ang kanang kamay ko at hatakin ako papalapit. Dumako naman ang kabila niyang kamay sa likuran ko bilang pag alalay.

Nang iangat ko ang paningin, napansin ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. "Nakita kita," ang sabi niya. "I saw you and young master Junhui, kissing each other."

Halos manghina ang buong katawan ko sa narinig.

Ang sikreto na gusto kong itago, ang pangyayari na hindi dapat malaman ng iba, ang damdamin na gusto kong kalimutan, lahat ng ito ay nanumbalik sa aking puso at isipan.

Hindi iyon ang unang halik na natanggap ko kay young master Jun. Pero deep inside, alam ko na may kung ano akong nararamdaman after that kiss. I am woman too!

Bakit niya ba kasi ako hinalikan? Bakit?!

"Hey," isang boses ang tumawag samin. Bumitaw si Sam sa pagkakahawak at saka naman ako lumayo.

Nang makita na si Young master Hao pala ang dumating ay tumayo si Sam ng tuwid at sabay kaming yumuko biglang paggalang.

"Magandang araw young master. Mayroon ba kaming maipaglilingkod?" Magalang na bati ni Sam.

"Yes. I need one," sagot ni young master. Nakita ko ang paglipat ng tingin niya sa akin.

"Ano po iyon?" Tanong uli ni Sam.

Itinuro ako ni young master Hao bago sumagot ng, "I need her. May sasabihin ako sayo. Come to my room. Now," utos niya saka naglakad paalis.

A-Anong pag-uusapan namin?

Inayos ko ang buhok at nagmamadaling humakbang palayo para sundan siya.

Nakalimutan kong lingunin si Sam nang mga sandali na iyon. Hindi ko narinig ang mga ibinulong niya sa sarili nang tumalikod ako mula sa kaniya.

"Hindi mo dapat ginawa iyon Jilly," he murmured. "A maid and a master is not a good match." Huminga siya ng malalim habang ikinukuyom  ng mahigpit ang mga palad. "At isa pa... mukhang hindi ko kakayanin ang selos na nararamdaman. Sh*t."

To be continued...

Sam image at the top

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Young MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon