Chapter 1

589 37 1
                                    

Sa gitna ng hardin ay nakita ko si young master Minghao na nakaupo sa isang antique bench: drinking green tea on a tea cup with sophisticated designs. Ang paraan niya ng paghawak sa cup at pag inom ay napaka eleganteng tignan. Makikita talaga sa galaw niya na siya ang pangalawang anak ng kinikilalang mayamang kompanya sa bansa namin.

Tinignan ko ang red scarf na pinagpuyatan kong habiin kagabi habang nagtatago sa likod ng halamanan at sumisilip patago sa kaniya. Nakatingin siya sa langit habang pinupulikat na ko dito. Argh! Mamatay na ko ng dilat kung maghihintay ako sa wala. Pero nahihiya ako. Paano kung hindi niya magustuhan ang regalo ko? At paano kung mag isip siya na may iba akong intensyon?

"Come out, " ang sabi niya. Hinahanap ko kung sino ang kausap niya. Wala namang ibang tao dito a.
"Kanina mo pa ako pinagmamasdan. Kahit anong tago mo, kitang kita ka. Pfft," he chuckled.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo pa noong nagtama ang mga mata namin. Nahuli ako.

Nagmadali akong tumayo, yumuko at bumati, "good day young master!"

He took another sip on his tea, na naging dahilan para mapalunok rin ako sa aking kinatatayuan. "So what do you want?"

Tinulungan ako ni young master Hao mula sa kapatid niya kahapon. Hindi ko makakalimutan kung paano siya pumasok sa kwarto at iligtas ako na para bang isang knight in shining armor. His round eyes, his pinkish lips and everything about him, for me they are special. He is special.

Pinanood ko ang mga paa na dahang dahang naglalakad papalapit sa kaniya. It took me heavy, freaking 10 steps before I reached his side. Kagat kagay ang pang ibabang labi ay hinatak ko ang buong lakas na natitira. Kaso...

"Uhmmm ahhh uhmmm ano kasi. Uhmmm aaa..."

Para akong tanga na walang masabing salita kunh hindi ahmm ehmm ihmm ohmmm uhmm!

"Don't be nervous,' ang sabi niya, kasabay ng matamis na ngiti na nagpakalma sa aking puso. Game over.

"G-gusto ko lang po magpasalamat dahil tinulungan niyo ako kahapon. Kaya biglang pasasalamat, naghabi ako ng red scarf para sa inyo. Alam ko po na mamahaling brands ang madalas niyong gamitin. Pero pinagpuyatan ko po ito. Isa pa, I made it with love and..."

Love? Teka! Ano bang kalokohan ang sinasabi ko?!

"Made with...love?" He asked, blinking in confusion.

Ano na?!

"I MEAN! MADE WITH WARMTH. HA-HA!"

Now he will see me as an idiot trying to flirt! Sana may replay button.

"Oh I see." Kinuha niya ang red scarf mula sa kamay ko at saka ipinulupot sa leeg. "Gagamitin ko to."

He smiles. Pakiramdam ko, nahulog ang mundo sa paanan ko.

"Mahilig ako sa mga warm things. Love this. Thanks," he added.

Isa siyang prinsipe.

Ang prinsipe mula sa panaginip ko.

Ang prinsipe na gusto kong dumating para mabigyan naman ang buhay ko ng mala- Cinderella love story.

I fell for his eyes, his smile, EVERYTHING ABOUT HIM.

"Oh? Nag mumula ang pisngi mo," ang komento niya sabay tinuro ang nag iinit kong pisngi.

Agad akong umiwas ng tingin. "Namumula po ba? B-Baka po medyo kasi lumalamig na ang panahon."

"That will be warm," he mumbled. Tatanungin ko sana siya kung ang ibig niyang sabihin nang bigla nalang niya akong patigilin sa paghinga sa pamamagitan ng paghawak niya sa aking nag iinit na mga pisngi. Oh God.

"Y-Young master," nauutal kong banggit, idinidiin ang pagkakaiba ng estado namin.

"Ang init ng pisngi mo. I love it. I love warm things, and warm person like my mom." He slightly pinched my cheek. Bago siya lumayo.

Muli ako naestatwa. Okay. What the hell just happened?!

"Thanks again. See you later. " Tumalikod siya at umalis.

Habang pinapanood ko siyang umalis ay may tumapik sa akin.

"Hoy, anong ginagawa mo dito?"

Tumingin ako sa likod at nakita si Jhona. Ang isa sa mga maid na nagtatrabaho din dito.

"W-Wala," sagot ko.

"Great. Kunin mo to at dalhin mo sa swimming pool area." Nilagyan niya ng bathrobe ang kamay ko.

"Bakit ako pupunta sa swimming pool area?" I asked.

"Pumunta kasi sa swimming pool si master Jun. E nakalimutan niyang magdala ng bathrobe. Kaya dalhan mo na siya ngayon. Or else yung bruhang matandang dalaga na si Miss Terry ay-"

Sinupalpal ko ang bunganga ng babae na ito. "Ano ka ba? Baka marinig tayo ni Miss Terry."

"Hmp. Anyway, dalhin mo yan kay master Jun a. Bye. Goodluck!" Then she ran away.

Okay. She was right. Goodluck talaga sakin. Dahil mukhang magkaka-krus na naman ang landas namin ni young master Jun; that crazy maniac.

To be continued....


Young master Hao image at the top

Young MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon