Napipilitan akong maglakad papunta sa swimming pool area habang bitbit ang bathrobe ni young master Jun. Kakalitaw palang ng araw naisipan na agad niyang mag swimming? Napaka-weirdo talaga! He is a pervert, a jerk, a freak and a psycho. Kahit na ubod siya ng gwapo katulad ni young master Hao, hinding hindi ko magugustuhan ang lalaki na 'yon.
Pero kung sakaling magkita kami ngayon, wala naman sigurong masamang mangyayari hindi ba?
Sinabi niya kahapon na huwag akong magpapahuli sa kaniya. Katulong kaya nila ako! Syempre hindi ko siya maiiwasan kahit gustuhin ko!
Hay kainis. Bakit ba kasi ako pa ang naisipang pagdalhin ng bathrobe niya?
Nakapasok na ko sa hall at iginala ang paningin. "Master J-" Hindi ko naituloy ang pagtawag ng makita si young master na nakahandusay sa tabi ng pool at walang malay! "Young Master!"
I ran towards him.
I breathe.
I knelt down my knees.
And I cupped his cheeks.
Ang mga sumusunod kong ginagawa ay wala na akong kabatiran dahil sobra akong nagpa-panic.
Ang alam ko lang ay nanginginig na ang aking mga kamay, I couldn't even gulp, waring may nakaharang na bato sa aking lalamunan. Please! Sana magkaroon na siya ng malay.
May isang bagay na pumasok sa isip ko. Alam kong siya ang master at ako ay hamak na katulong. Pero... "S-Sorry young master."
Mabilis kong idinampi ang aking labi, hindi para i-kiss siya kung hindi para bigyan siya ng hangin. I pulled back, catch some air and did the same thing again and again.
Subalit habang magkadikit ang labi namin ay naramdaman ko ang malagkit, mainit at malambot na bagay na humahaplos sa paligid ng labi ko. T-Teka nga lang. HE IS LICKING MY LIPS WITH HIS TONGUE!
At hindi lang yun...
"Ahhh!" I let out a moan when he suddenly bit my lower lip.
Napalayo ako at nanlalaki ang mga mata na pinagmasdan siya. Wala na siyang malay pero napakamanyak parin niya!
Nakatikim ako ng medyo matamis habang dinidilaan ang labing kinagat niya. May matamis akong nalalasahan. Tumingin ako sa paligid at... "Oh? May bote ng wine."
Kung ganoon, hindi siya nawalan ng malay. Lasing lang siya.
"P-Please," he muttered. Mabilis ko siyang sinagot. "Master! Naririnig niyo po ba ako?"
He didn't respond. Sa halip, hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko habang nakapikit. Baka nananaginip siya.
"Young master, wake--"
"Pakiusap. Kunin mo na ko," ang sabi niya kasabay ng mga luhang kumawala sa kaniyang mga mata.
Naestatwa ako sa aking kinaroroonan, sadyang hindi makapaniwala na nakita ko siyang umiiyak ng ganito.
"Ayoko na dito. Ayoko ng ganitong buhay. Please... just take me, mom."
Ang hinagpis niya at ang paraan nya ng pagtawag sa kaniyang ina, ay nagpakirot sa aking dibdib.
Sa mga pagkakataon na ito ay mayroon akong nadiskubre: na ako, isang hamak na katulong, ay nag nanais na mas makilala pa ang pinaglilingkuran ko; isang bagay na Hindi ko na dapat pinanghimasukan.
Is he really a bad guy? Or isang kawawang nilalang na nagtatago sa maskara?
Dahang dahan nyang iminulat ang mata na basa ng sariling luha. Our eyes met.