Chapter 4

347 20 0
                                    

Sa likod ng mansyon ay mayroong malawak na damuhan. Nakaupo kami sa patag na damong marahan na pinapasayaw ng hangin. The way it danced bought out my pain and let the little goodness in.

Tinignan ko ang lalaki na nasa aking tabi. Talagang taglay niya ang 'itsura na ikakatigil ng lahat sa paglakad kapag siya ay lumingon.

Oo, gwapo siya. Pero sa mata ko, isa siyang masamang panginoon na ang trato sakin ay isa lamang alipin- alipin na pwede niyang paglaruan.  Pero ano bang magagawa ng tulad ko? Kailangan kong pagtiisin ang lahat kung ayaw kong mawalan ng trabaho. Kahit pa muntikan na niya akong halayin noong nakaraan. This freaking handsome pervert!

"Can I ask you some favor?" Ang sabi niya habang nakapako ang tingin sa asul na langit.

Ang boses niya...

Ang boses niya ay napaka seryoso. Gayundin, walang ekspresyon o anumang emosyon ang kaniyang mukha. Bago ito para sa akin.

Nakita ko na ang mga manyak niyang titig, mga ngisi at mga luha. But now, I am looking at his other side.

Bigla nalang tumigil sa pagtibok ang puso ko, at pagkatapos ng ilang segundo, muli itong kumabog ng napakabilis!

Bakit ganito? Alam kong ayoko sa kaniya, pero bakit ako nakakaramdam ng ganito dahil lamang sa kaniyang ekspresyon?

"Ano po iyon, y-young master?" Tugon ko habang ang mga kamay ay nasa ibabaw ng aking mga tuhod.

Lumingon siya sa akin, saka matipid na ngumiti. Mayroong kalungkutan ang ngiti na kaniyang ibinigay anupat nagpabigat ito ng aking damdamin.

Ilang sandali ko siyang tinitigan, hanggang sa makita ko na ang sariling repleksyon sa kaniyang mga mata.

"Kalimutan mo ang lahat," ang pakiusap niya. "Ahmm, though I am not sure if you can forget the way I kissed you and I almost rape you inside my room," bahagya siyang natawa ngunit agad ring huminto. "But yeah. Gusto ko na kalimutan mo ang narinig mo tungkol sa pagkakaroon namin ni Hao ng magkaibang nanay. I will appreciate kung hindi mo titignan si Hao bilang anak ng katulong. Please see him the way you see him before, not as a son of mere maid. Kaya mo bang gawin?"

Akala ko noong una, ayaw niya sa sariling kapatid. Pagkatapos ko silang makitang nagrambulan, inakala ko na galit na galit siya kay Master Hao. Ngunit nang marinig ang kaniyang hiling, sigurado ako na nagkamali ako ng hinala.

"Paano ko matatanggihan ang utos ng sarili kong master?" I said. "Susundin ko po ang hiling niyo."

Mahina siyang tumawa, at biglang humawak sa legs ko. T-Teka!  Is he being a p-pervert again?!

"M-Master I-" protesta ko sana. Kaso nagulat ako nang bigla siyang lumapit at inihiga ang ulo sa lap ko.

Naramdaman ko ang mabilis na pag init ng aking mga pisngi!

"Mayroon akong tatay, kapatid, pero pakiramdam ko, ulila parin ako at walang sariling pamilya," ang sabi niya.

Yumuko ako at nakipagtitigan sa kaniya. It was warm.

"I don't  like Hao. Pero kapag nawala siya, mawawalan na ako ng silbi. Although you knew how jerk I am, idiot, freak and stupid, mas pipiliin ko na maging kontra bida kaysa maging invisible sa mata ni Papa."

Dahan-dahang hinawakan ng kaniyang kamay ang kanang kamay ko. Itinaas niya ito, tinitigan at marahang pinaglaruan ng kaniyang palad ang aking mga daliri. Napakalambot ng palad niya mainit at animo'y nang aakit ang bawat haplos.

"This is all my mom's fault," bulong niya. "For marrying a guy who doesn't love her. Pero sobrang miss ko na siya. Namimiss ko na makakuha ng tunay na pagmamahal sa pinaka mahalagang tao para sa akin." Pagkatapos ay ipinatong niya ang kamay ko sa kaniyang noo at pumikit.

This man... he really confused me.

"Ikaw? Magkwento ka rin tungkol sa pamilya mo," ang sabi niya habang nakapikit.

Hindi ko alam kung tama bang ibahagi ko sa kaniya ang parte ng buhay ko. Pero kahit isa lamang akong hamak na katulong, samantalang siya naman ang amo ko, at least as a human being, gusto kong mapagaan ang masakit niyang sugat.

"Wala akong alam sa nakaraan ko, pati narin sa sarili kong pamilya," bahagi ko. "Iyong babae na nagpakilalang malayo kong tita, kinupkop niya ko in the age of 7. Pero I was abused. Bata pa lang ako, alam ko na ang pakiramdam ng mabugbog na halos mamatay na. Kaya nang medyo lumaki ako, lumayas ako mula kay auntie. Hindi ko na pinangarap na makatapos sa pag aaral. Mas pinili ko nalang magtrabaho bilang katulong, dahil dito ako nababagay."

Inalis niya ang kamay ko sa noo niya at iminulat ang mga mata. Now he is looking at me again.

Hindi ako sigurado pero... bakit parang namumula ang mga pisngi niya?

"That was so sad," ang sabi niya.

Pagkatapos ay muli niyang itinaas ang isang kamay upang haplusin ang pisngi ko. My eyes widened when he suddenly massages my chin using his thumb!

"Ang malas natin no?" he sadly mumbled. "Then, let's comfort each other."

He smiled at me... a very beautiful smile.

"Paano natin ico-comfort ang isa't i--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin.

Dahil hinatak niya ako pababa at hinalikan.

Pero alam niyo ba ang mas nakakagulat?

Nakakagulat na gumanti ako sa halik niya.

I- a maid- is kissing her own master.

To be continued

Young MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon