Chapter 1

7 0 0
                                    

Nathalia's POV

*kringggg*
*kringgggg*

Minulat ko ang aking mga mata at kinuha ang aking cellphone na tunog ng tunog.

"Helloo?" ani ko gamit ang husky voice ko.

"Girl, san ka na?" sagot nya sa kabilang linya.

"Sa higaan ko, bakit?" ani ko naman sabay hikab, sobrang antok pa talaga ko.

"Gaga 'di ka pumasok ng morning class~" pagkatapos kong humikab ay napatingin ako sa wall clock na nasa room ko. "Wag mong sabihing 'di ka rin papasok ng afternoon class! 2nd week pa lang 'to Lia may absent ka na ka-agad." shit.

Nagmadali akong magayos, at umalis na ng bahay. Nang makarating naman ako sa university namin ay sinalubong din ako ni Keila. Hindi pa naman ako masyadong nalate, actually on time lang.

"Bakit 'di ka pumasok?" tanong niya.

Keila Anderson, she's my childhood bestfriend, she knows me very well. Heartthrob siya sa university namin, marami na din siya naging ka-MU pero NBSB siya. Siya yung lagi kong takbuhan tuwing may problema ako at ganun din naman siya. Tuwing nagkakagusto naman siya  sa lalaki, susuportahan ko nalang siya, never din kaming nag away dahil sa iisang lalaki kasi iba yung type nya kesa sa type ko. She like someone who's independent, faithful at yung may takot kay God. Medyo same naman kami pero may weird akong nagugustuhan sa mga lalaki like kung maganda ba yung kamay nila, pati narin yung kuko isama mo na pati yung amoy.

"Nagpuyat kasi ako kagabi kaya ayun bagsak." ani ko sabay tawa.

at ako? I'm Nathalia Veracion, also known as Pilosopo Queen and the Goddess of Beauty, joke lang pero totoo talaga yun. Heartthrob din ako sa university namin pero ni-isa wala akong in-entertain. Ayoko lang kasi matawag na slut, alam mo na marami ng judgemental ngayon. 'Di ko pa naman nahahanap yung ideal guy ko, kaya mag-aantay nalang ako. Marami namang nagkakagusto sakin, pero marami rin nagagalit like wtf? wala naman akong ginagawa sa kanila, siguro inggit lang talaga sila sa beauty ko.

"Tigilan mo nga muna yang panonood ng kdrama~" ayan naman yung sermon niya, ghad. "By the way may meeting daw ang mga pres. at vice pres. mamaya sa conference room." dugtong niya pa.

"Okey." tugon ko at dumiretso na sa room.

----

Nandito kami ngayon sa conference room dahil nga sa may meeting kasama ang mga SSG officer's. Magkasama kami ni Keila ngayon kasi siya ang President at ako naman yung Vice President. Magkakaroon daw ng opening program para sa Intramurals.

Bumalik naman kami ni Keila sa room, at in-announce niya din yung napagusapan kanina. Umupo lang ako sa upuan ko, bilang Pres. siya kaya niya na yun. Wala pa din yung prof namin kaya inaya ko muna siyang kumain.

Nagk-kwentuhan kami ni Keila sa Cafeteria nang may nakita akong cute guy. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makalabas sila ng Cafeteria.

"Huy! Lia! nakikinig ka ba?" tugon ni Keila.

"Ahh, o-oo girl."

At yun na crush at first sight si ate mong maganda.

----

"Lia! kanina ka pa ngiti-ngiti at tulala dyan"

Naglalakad kami ngayon ni Keila pabalik ng room, pero eto ako parang baliw na ngumi-ngiti. Si cute guy kasi nginitian ako nung nakita nya kong nakatingin sa kanya.

"May nakita kasi akong cute guy Kei, dun sa may cafeteria. Tapos nginitian nya pa ko shems." ani ko na parang kinikilig.

"Ay! na crush at first sight si gaga." ani niya tsaka naunang naglakad, sumunod din naman ako sa kanya.

"Ay hindi!" paulit-ulit lang.

Ngayon araw lang naman siguro to, di na aabot bukas kasi for sure 'di ko na yun makikita.

----
Maikling chapter muna para 'di kayo mabored.

Balang ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon