Chapter 3

2 0 0
                                    

Nathalia's POV

Pangalawang araw na ng training namin at ganun pa din naman. Ang galing din ni crush maglaro, pero hindi sa pagmamayabang ah mas magaling parin naman ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam yung pangalan nung crush kong cute, kahit kasali siya sa team namin 'di ko pa din alam.

Madami na din naman akong naging crush noon, nagiging ka MU ko naman sila kasi nga maganda ko, pero hanggang crush lang talaga pag nalaman ko na may gusto sila sakin iiwasan ko na sila, ang sama ko na ba? ayaw ko lang saktan sarili ko, kasi kung i-entertain ko sila baka mahulog din ako. Ok na 'ko sa one-sided love, mabilis lang mawala yung sakit.

"Lia, nakita mo daw ba si Nate?" tanong ni Keila.

"Huh? sino yun? bago?" nagtataka kong tugon.

"Ghad! Nathalia! ang tagal mo ng varsity player ng Badminton pero hindi mo pa rin kilala lahat." sermon na naman niya.

"Hindi ba pwedeng wala lang akong pake sa iba?" ang sama ko na pero ganun talaga e, basta nakapaglalaro lang ako ayos na.

"Pero ngayon siguro may pake ka na sa kanya. Siya yung sa SSG Officer. Ang gwapo niya kaya pero 'di ko type." aniya.

Napatahamik ako ng sandali, so siya pala yung Nate na sinasabi nila. Hindi naman siya gwapo, cute lang para sakin. Lahat naman siguro ng nagiging gusto ko e cute lang ang tingin ko.

"N-Nate?" nagtataka kong tanong.

"Jonathan Laubree, heartthrob din yun dito sa SU, pero 'di mo pa rin kilala. Anak din siya ng Council Chairman ng 3rd Year, Si Mrs. Marie."

"Heartthrob din yun!? Ghad! na-shookt ako dun ah."

"Oo nga, paulit-ulit?" minsan masarap ding batukan yung kaibigan ko e.

----
"I'm home!" sigaw ko nang makapasok ako sa bahay namin.

Lagi ko naman ginagawa yan, sinisigaw ko para marinig din nila Mommy.

"Anak, andyan ka na pala. Kain na tayo." ani Mommy.

"Kain na tayo Thalia."ani Daddy. Nagmano naman ako sa kanila, at sinabayan na silang kumain.

Pagtapos ay, agad akong pumunta sa kwarto ko, binuksan yung computer at tsaka nag browse sa FB. Dahil wala rin naman akong magawa, triny ko i-search ang pangalan ni Nate sa FB pero walang lumalabas. Tinanong ko din si Keila kung anong name pero hindi niya sinabi, trip ata ako nun.

Triny ko ng paulit-ulit pero wala pa rin akong nakita. Triny ko din i-search sa friendlist ni Keila pero hindi ko pa rin makita.

----

"Keila! ano nga kasing name nya sa FB?" salubong ko sa kanya pag kapasok ko ng room.

"Secret. Bakit ba kasi?" matatawa-tawa niyang sabi.

"Eh, siya kasi yung cute guy na nakita ko sa may cafeteria noon." kinikilig ko naman sagot.

"Cute lang ba talaga?"

"Edi gwapo na!" kinikilig pa rin ako.

"Sige na nga. Nathan yung name niya, one name lang yan."

"Matchy talaga kami parehas kaming one name lang."

Mamaya pag-uwi ko hahanapin ko kaagad.

----

Nasa court ulit kami at naglalaro. Malapit na din ang competition kaya gagalingan na namin. Pawis na pawis na si Nate ngayon, pero ang gwapo niya pa din. Kinuha ko yung pamunas ko tsaka siya nilapitan.

"Hi Nate!" bati ko sa kanya. Kinuha naman niya yung binigay ko.

"Hello, Thank you." ani niya tsaka pinunas sa pawis niya.

"Your welcome" I gave my sweetest smile na lahat ng lalake naa-attract, pero siya wala man lang react. Hindi man lang siya ngumiti. Bwisit.

Bumalik na lang ako sa pwesto namin ni Keila.

"Kei, 'di ba marunong magreact yung si Nate? kahit ngumiti man lang?" tanong ko kaagad sa kanya.

"Marunong naman, pero sa mga special na tao niya lang pinapakita."

-----------

Balang araw magiging special din ako sa buhay mo.

~*~

Balang ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon