Chapter 5

1 0 0
                                    

Nathalia's POV

Nabigay ko na rin sa guidance yung binigay ni Nate kanina at ngayon nandito kami sa gym, last na training na namin dahil competition na bukas.

Dahil gusto kong manalo yung team namin, nagfocus na ko sa game pero may nakikita kasi ako sa peripheral view ko.

Si Nate. Tinignan ko naman siya pero nakatingin siya kay... Alyssa at nakangiti rin si Alyssa sa kanya. Bakit parang ang sakit?

Umalis muna ako ng court at dumiretso sa cafeteria. Hindi na rin ako nakapag paalam kay Keila.

----
Keila's POV

Nakita kong nakatingin si Nathalia kay Nate na nakatingin kay Alyssa with matching ngiti pa tapos bigla nalang siyang umalis sa gym, hindi man lang nagpaalam pero alam ko kung anong rason.

Nasaktan siya. Masakit naman talaga yun, makita mo yung crush mo may ngini-ngitian pero crush lang naman diba? bakit siya masasaktan? infatuation pa lang naman yan.

Alam ko naman na may gusto si Nate kay Alyssa, matagal na. Alam ko rin na may gusto si Thalia kay Nate, ayoko lang masaktan yung kaibigan ko kaya hindi ko sinabi na may ibang gusto si Nate.

Sinundan ko nalang siya.

"Ok ka lang, Nathalia?" tanong ko sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa cafeteria, kumakain naman siya ng ice cream malungkot nga to, comfort food kasi namin yun e.

"A-Ah e oo naman, l-lagi naman akong ok." hindi talaga siya ok, pero hindi ko muna siya pipilitin tsaka ko na rin sasabihin yung kay Nate at Alyssa baka lalo siyang masaktan.

----
Nathalia's POV

"A-Ah e oo naman, l-lagi naman akong ok." ani ko.

Sinundan pala ako ni Keila, siguro alam niya rin yung rason kung bakit ako nandito pero hindi niya na ako tinanong, ok na yun. Ayoko ng maalala yung kanina.

Bumalik na kami sa gym, buti nalang din umalis saglit si Alyssa wala siya dito e.

Nagtraining na lang ako syempre kailangan kong galingan. Competition na bukas e.

-------

Nag-aayos na kami dito sa SU para mamaya, for sure naman mananalo kami. Una munang laro ay Basketball kaya nanood muna kami. Wala naman akong masyadong kilala sa kanila kaya wala akong ic-cheer.

Sunod naman ay Volleyball, player dito yung pinsan ko, si Alexa. Kaya ic-cheer ko sya!

"GO ALEXAA!!! WHOOO!! GO COUZZZZ!" todo cheer ko, tumingin naman sya tsaka nginitian at nagthumbs up.

Cheer lang ako ng cheer at yun nanalo naman sila. Magaling din kasi si Alexa bata palang favorite sport niya na yan, lagi niya rin akong inaaya pero mas gusto ko pa rin ang badminton.

Lumapit naman sakin si Alexa.

"Thalia! Thanks sa pag-cheer sakin ah, na-appreciate ko yun. Goodluck nga pala sainyo ni Keila, kayo na susunod. Loveyah <3" aniya.

"Basta ikaw Lex. Nice game kanina ah, focus na focus ka. Thank you sa goodluck mo couz, sabihin ko yan kay Keila mamaya. Sige, punta na ko dun ah. Loveyahtoo <3" hindi ko nga pala kasama si Keila, nagrerelax pa kasi siya.

"Sige, couz." at umalis na din ako.

Kinakabahan na tuloy ako ngayon. Unang maglalaro si Keila at Alyssa. Inuna muna nila yung double kesa sa single. Sa single naman ako kaya mamaya pa ako. Bago maglaro sinabi ko kay Kei yung sinabi ni Alexa kaya napangiti rin siya.

Lamang naman ng isang puntos sila Keila, kaya panalo pa rin.

"Galing mo Kei!" bati ko kay Keila

"Thank you, gurl!"

"Nice game, Alyssa" then I gave her a fake smile.

"Thank you." nagsmile din siya, tss.

Nilingon ko naman si Nate... nakatingin ulit siya kay Alyssa. Ugh! nvrmnd! Kailangan ko manalo sa game.

Lamang naman ng 4 points sila Nate, partner niya si Timothy.

"Nice game, Nate and Timothy." bati sa kanila ni Keila. Bakit nung binigkas niya yung name ni Timothy parang pabebe na? May gusto ba siya? naks! Naiinlove na ulit si bes.

Nakita ko namang nakatingin si Alyssa kay Nate, nagka-eye to eye contact sila pero agad ding umiwas si Nate. Hindi ko nalang sila pinansin, baka hindi ako makapag concentrate.

Ako na yung sunod.

Unang round, lamang ako ng 2 points pero nabawi naman nung kalaban ko. Magaling din pala to.
Second round, lamang ulit ako ng 5 points pero nabawi niya pa rin, shit!
Third round, lamang naman siya ng 7 points, Shit! 'di pwede 'to.
Last round, lamang pa rin siya pero di ko pa nababawi, sumigaw naman si Keila.

"Cheer up Nathalia!" napatingin ako sa kanya nginitian ko naman siya, tinignan ko rin si Nate.

Kaya ko naman to, easy nga lang pero parang ang bigat lang ng pakiramdam ko kaya di ko siya matalo.

Dahil last round na, nabawi ko naman mas lamang naman na ako sa kanya ng 3, kaya napalapit si Keila sakin tsaka ako niyakap. Nginitian ko naman siya.

"Galing mo dun Lia, may thrill yung game nyo!" aniya.

"Thank you sis." I said then I kissed her cheeks.

Binati naman ako ng ibang ka-team ko at nung kalaban ko. Binigyan ko naman sila ng weak smile.

Pinilit kong ngumiti kasi may konting sakit sa puso ko kasi nakita ko sila Nate at Alyssa naguusap. Ang sakit. Lumapit naman si Alyssa sa akin nung nakita niya akong naktingin sa kanila, sumunod naman si Nate. OA na kung OA pero masakit talaga.

"Congrats, Thalia." ngiting-ngiti niyang bati.

"Thank you." bitch.

Nginitian naman ako ni Nate, ngiti lang talaga pero ok na din yung kahit p-paano ngumiti ako.

------------

Balaw araw ganyan na rin yung tingin mo sa akin.

~*~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Balang ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon