Nathalia's POV
"Na-ready nyo na ba yung mga pompoms?" sigaw ni Keila sa mga ka-section namin.
Nagsimula na yung program kaya lahat kami ay natahamik at nakinig sa MC.
"Good Day, Stanford students! Before we start. Ms. Alyssa, can you come here in the stage to lead the opening prayer?" pumunta naman sa harapan si Alyssa,at nagistart na.
Siya si Alyssa Stanford, the heir of Stanford University, one of the heartthrob in the campus and one of my so called "friend" or should I say ex-bestfriend.
Nang matapos naman mag lead ni Alyssa ay nag special production yung mga SSG Officers, dahil wala akong magawa at nagaayos pa lang sila sa stage kinuha ko yung phone ko at nag-browse ng konti.
Bigla naman akong napatingin sa stage at.. nakita ko yung cute guy! bakit hindi ko alam na SSG Officer sya! pero infairness ang galing nya sumayaw.
Buong performance nila sa kanya lang ako nakitingin. Tuwing may meeting kami kasama ang mga SSG Officers, hindi ko naman siya nakikita!
"Nathalia Veracion... Keila Picon... Alyssa Stanford... Jonathan Laubree... Timothy Hynson..." napatigil ako sa pangiti-ngiti ko nang tawagin kami nung MC. Player nga pala kami ng Badminton.
Tumayo na kami ni Keila tsaka pumunta sa harap. Pumunta din doon yung cute guy. what the!? varsity din pala yung crush ko. Bakit 'di ko siya nakikita tuwing may training kami!?
"Girl, ba't na naman na ka busangot yang mukha mo?" tanong ni Keila pagbalik namin sa pwesto namin.
"A-Ah wala lang. Bakit masama?" pagtataray ko.
"Sus."
"Maganda pa rin naman ako."
Sa totoo lang, nauurat ako. 'Di ko kasi nakakasama sa training yung crush kong cute e, pero ok lang instrams naman ngayon kaya mapapadalas ko na siyang makikita.
"The competition will start at Feb. 15 to 17. Maraming varsity sa Stanford kaya mahaba ang araw ng competition." tugon ng MC.
----
"Lia, may training daw tayo mamaya." ani Keila.
"Training lang, walang tayo." dahil wala ako sa mood pagtripan ko muna kaibigan ko.
"Imma spotted." aniya.
"Slight lang naman."
"Che!" bigla naman siyang tumalikod at umalis na, napangiti naman ako sa ginawa nya.
Triggered.
----
Andito kami ngayon sa court, para magtraining.
Andito na din lahat ng players ng Badminton at syempre, eto ako ngayon titig na titig kay crush. hehe.
Nung unang training ay pinapili kami kung sino yung magiging kalaban namin. Nung pangalawa naman si Coach na yung pumili. Ang swerte ko nga naman ngayon, siya pa talaga yung makakalaban ko.
Ang galing niya palang maglaro, pero mas magaling pa rin ako.Naka focus lang siya sa game, hindi rin siya tumitingin sa beauty ko. Kahit anong papansin ko hindi pa rin tumitingin. Anak ng--! pasalamat siya cute siya.
---
Balang araw titingin ka din sa kagandahan ko.
~*~