Chapter 4

1 0 0
                                    

Nathalia's POV

Nahanap ko na! Nahanap ko na rin yun acc ni Nate sa FB! Dali-dali ko naman siyang inadd at inistalk. Lahat ata ng social media niya na istalk ko na.

Nalaman ko rin naman na may gusto pala siya kay Alyssa. Hindi ko nalang pinansin, nangistalk lang ako ng nangistalk. Save ng pic. Change ng wallpaper.

Na-adik na nga ko sa kanya.

----
Nandito ko ngayon sa room namin at nakaupo sa may bandang dulo at malapit sa bintana, ang perfect spot.

"Loser! Gawan mo nga ako ng project natin." rinig kong sabi nung maldita kong kaklase na si Marithe.

"S-Sige." nauutal na sabi naman Leslie.

Siya yung teacher's pet samin. Matalino rin siya. Manang nga lang magsuot. Actually I hate her, ang uto-uto niya kasi. Hindi niya man lang din kayang ipagtanggol yung sarili niya. Hindi man lang din niya ginagamit yung isip niya pagdating sa ganyan.

Hindi ko nalang sila pinansin, baka kasi masira pa yung araw ko.

----

"may transferee daw."

"magkapatid."

"nakita mo na?"

"ako pa ba?"

"Babae at lalaki e."

"Sabi pinsan daw nila Alyssa."

"Edi maganda't gwapo din yan."

Ghad! ang daming tsimosa sa mundo. Nandito ako sa corridor at nakikinig sa mga chismisan nila. Tatlo silang naguusap-usap, dahil wala ako sa mood pagtripan ko kaya sila.

"Maganda't gwapo na agad porket pinsan lang ni Alyssa?" inis kong tanong.

Hindi naman kasi porket maganda si Alyssa, maganda't gwapo na rin yung mga kamag-anak niya.

"N-Nasa lahi naman na nila yun diba?" sagot nung babae.

Sasagot na sana ako ng biglang...

"Miss pwede magtanong? Saan yung room ng section Argon?" mukha ba akong tanungan!? pasalamat siya gwapo siya. sila na ata yung transferee, at ang swerte ko nga naman classmate ko yung gwapo.

"Ah, sa room 301." then I gave him my sweetest smile, yung nakaka-akit.

"Yung Copper naman?" yung babae naman yung nagtanong.

"313. Kung may iba pa kayong tanong sa kanila na lang. Gotta go." ani ko sabay alis.

Nakakinis lang, sukat pagtanungan ba naman ako. Hindi ko na sana sila sasagutin kaso nakita ko yung face niya, ang gwapo lang. Siguro nga nasa lahi na nila, pero 'di pa rin ako papakabog.

Argon yung section namin kaya magiging classmate ko yung lalaki. Yung babae naman magiging classmate ni Alyssa, kaya din ako nawala sa mood, sukat itanong pa talaga sakin yun sabi ko nga wala na kong paki dun sa babaeng yun.

----

Someone's POV

Ang ganda pa rin talaga niya. Si Nathalia, ang ganda, ang sexy at ang bango niya pa rin. Ang perfect na nga nya para sa akin. Hindi pa rin siya nagbabago.

"Miss pwede magtanong? Saan yung room ng section Argon?" kahit alam ko na ay tinanong ko pa rin siya. Gusto ko lang marinig yung boses nya.

"Ah, sa room 301." sagot niya tsaka niya ko ngitian. Shit! wag kang ganyan Nathalia. Lalo akong naiinlove sayo.

"Yung Copper naman?" tanong ni Coleen. Alam na talaga namin yung room, syempre sinosuportahan lang ako ng mahal kong kapatid.

"313. Kung may iba pa kayong tanong sa kanila na lang. Gotta go." hindi pa rin nagbabago yung ugali niya, mataray pa din.

----

"Masaya ka na ba? nakita mo naman siya at narinig mo ulit yung boses niya." ani Coleen , naglalakad na kami papunta sa room namin.

"Oo naman, hindi pa rin siya nagbabago." ani ko.

"Sus! inlove ka pa rin sa kanya." pangaasar niya, tinawanan ko nalang siya.

----
Nathalia's POV

"You may introduce yourself now." tugon ng homeroom teacher namin.

"Hi, I'm Caleb Stanford, 16 yrs of existence." aniya. Familiar siya.

"You may find vacant seat now." ani Sir.

Naghanap naman siya ng vacant seat at umupo na rin siya sa tabi ko. Ayoko nga kasi ng may katabi! kaso wala akong magagawa kasi yun nalang ang bakanteng upuan.

Nag discuss naman na si Sir. Time na rin niya kaya next sub na ulit.

"Lia, nagiikot daw yung mga SSG para magcheck ng attendance per section." ani Keila, nasa tabi ko kasi siya. Bigla naman akong nag-ayos baka kasi si Na~~

"Section Argon, right? Excuse lang po sa secretary." biglang may pumasok at sakto si Nate nga. Ang manly ng boses niya, kainlove.

Tinignan ako ni Keila, nginitian ko naman siya. Pinuntahan ko naman si Nate.

"Ikaw ba yung Secretary?"  tanong niya.

"Nuh, actually I'm the VP. Absent si Secretary, and busy si Pres." pangiti-ngiti kong sabi.

"Kabisado mo naman siguro yung mga attendance this month?" tumango ako. Binigyan niya din ako ng papel. "Paki-sulat nalang diyan, paki baba nalang din sa guidance."

"Sige babe." halos pabulong ko na lang nasabi.

"Huh?"

"W-Wala sige." umalis na siya, bumalik na din ako sa pwesto ko.

Nginitian ulit ako ni Keila, alam niya na.

------------

Balang araw mapapatagal pa yung paguusap natin.

~*~

Balang ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon