Chapter 9

36 2 0
                                    

2 years after

"Congrats, Arkhe!" Bati ni Monique sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Salamat. At dahil 'to sayo." Ngumiti siya akin at niyakap ako pero agad din kami nag kalas dahil bigla siya hinila ni March.

"March." Saway ko. Tinignan ko si Monique at ngumiti lang ito at nag kunot noo na parang hayaan na lang.

"Congrats parekoy! Naks taas na natin ha!" Tinignan ko lang siya ng masama. Kadadating lang nito dahil nakita ko siya kakapasok lang habang nasa stage ako.

"Tsk. Oo na. Late na ko. Sorry na dami kasi ginagawa sa office hindi ko naman alam na ganito pala mangyayari pag napopromote ka bilang CMO." Reklamo niya. Totoo naman yon mula kasi na mapromote siya bihira na lang talaga kami mag kita kung hindi ako mag aaya, siya naman ang mag aaya at madalas hindi nag tutugma ang schedule namin dalawa mula nung makapasa ako sa board exam sunod sunod ang mga nangyari sa buhay ko at sunod sunod din ang mga projects namin ni Monique.

"Sus. Nakipag date ka lang naman dyan." Biro ko sa kanya.

"Mukha mo date! Galing ako trabaho gago. Ano man lilibre ka ba?" Tanong niya. Napangiti ako. Hindi pa rin nag babago ang bestfriend ko.

"Oo. Nag pareserve na si Monique sa Stained."

Kitang kita ko ang pag simangot ni March nang sinabi ko na nag pareserve na si Monique doon. Doon talaga namin balak kumain gusto ko rin makita ang kapatid ko kung okay na ba siya. Kung maayos na siya.

"Pwede naman tayo kila Aling Kiray. Gagastos ka pa ng malaki."

"Wag ka na mag reklamo. Libre ka lang naman. Tara na." Pag aya ko sa kanila. Sumunod si Monique sa amin pero hindi ko siya hinayaan sa likod lang namin ni March kaya hinatak ko siya sa tabi ko at naramdaman ko ang pag kurot ni March sa tagiliran ko.

"Landi mo." Bulong niya.

"Ulul. Partner ko siya, March wag kang malisosya." Sagot ko.

Nag tsk lang si March sa tabi ko at hindi na nag salita ulit.

"Ready ka na sa susunod na project, Ark?" Tanong ni Monique.

"Yes. Excited na nga ko doon." Naka ngiting sagot ko naman sa kanya.

"Ako din excited na. Nagulat nga ako na tayo ang gusto maging engineer ng building nila. Pero may makakapartner daw tayong mga artist at interior designers bukod sa mga architect." Masaya ang tono ng boses niya.

"Excited daw. Sus." Pabulong na sabi ni March pero sapat para marinig namin ni Monique. Siniko si March.

"Ano?" Inosente niyang tanong.

"Umayos ka, March." Saway ko sa kanya. At napatingin kay Monique at mahinang natawa.

"Cute niyo. Ayos lang. Sanay na ko kay Dela Merced." Kita ko ang pag ngiwi ni March at natawang naiiling naman si Monique. Sa loob ng dalawang taon nakilala ko lalo si Monique. Masaya siya kasama hindi boring, malumanay kausap, maasikaso, malambing parang lahat ata ng gusto ng lalaki ay na sa kanya na eh. At hindi ka mag sisisi kung siya mapapangasawa mo. Halos mapagkamalan na nga kami na may relasyon dahil lagi kami mag kasama. Sabay papasok at ganon din sa pag uwi. Pero may mga nagawa ako na hindi niya dapat maramdaman at nakokonsensya ako don kung tutuusin pwede na niya ko layuan at magalit siya sa nagawa ko pero hindi. Inintindi niya ko. Inintindi niya ang nararamdaman ko.

Nakarating kami ng parking lot nang tumigil si March sa pag lalakad.

"Nasa bandang dulo ang sasakyan ko. Sasabay ka ba?" Tanong niya. Tumingin muna ko kay Monique bago ako sumagot sa kanya.

Awatin ang puso na ibigin ka - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon