Chapter 15

22 3 3
                                    

Isang linggo ang lumipas na parang walang nangyari. Nakulong si Manuel sa maling pang aakusa ng pamilya ni Regine pero hindi rin kami natigil ni Odette na gumawa ng paraan para maayos ang kaso at malipat ng maayos na kulungan si Manuel.

"Since Regine will not be part of the team. Nag hanap kami na pwede pumalit muna sa kanya." Sabi ni Patricia. Nasa meeting kami para sa restaurant na itatayo sa Baguio.

"He's from St. Agnes din makakasama niyo siya sa Baguio any minutes by now." Pagkasabi ni Odette non sakto ang pag bukas ng pinto.

"Aron!" Masayang bati nila Odette.

"How are you?" Tanong naman ni Patricia. Ngayon pa nag kamustahan pwede naman mamaya. Nag patuloy sila sa pag uusap hanggang pumasok si Kurt sa meeting room at binati ang bagong dating.

"Anyway, Aron. This is Engineer Arkhe Reyes, my brother and Engineer Monique Gonzales." Pag papakilala ni Odette. Nag abot naman ako ng kamay bilang respeto at ganon din si Monique kaso mukha tumagal yung pagkakahawak niya sa kamay ni Monique. Bigla ako nakaramdam ng pagka inis sa Aron na 'to.

Napag usapan namin kung ano ang plano pag dating sa Baguio. When everyone is settled umalis na din kami agad at pumunta sa Martinez Empire para doon sumakay ng Helicopter nila Jerome at tutuloy sa hotel na ibinigay sa amin.

Gusto ko mainis sa buong biyahe namin dahil halos magkausap si Monique at Aron na akala mo ay matagal na magkakilala. Masyadong madaldal itong si Aron.

Nang makalapag ang helicopter sa Martinez Empire wala na kami inaksayang oras agaran din ang pagkilos namin dahil may hinahabol kaming deadline. Pumunta agad kami sa location kung saan itatayo ang negosyo ni Odette.

"Your husband is here, Mrs. Parreñas." Sabi ni Monique kaya sabay sabay kami napatingin sa harapan ng bakod kung saan nakatayo si Aldous.

"Sabi nang wag sumunod." Agad bumaba si Patricia at dinaluhan ang asawa. Sumunod kami tatlo sa kanila at ramdam ko ang titig ni Aldous sa kasama namin lalaki.

"It's better to be safe, love." Sabi ni Aldous.

"Praning ka lang." Sagot naman ni Patricia na umalis sa harapan namin at nag tungo sa loob para pumasok sa maliit na kubo doon kung saan dadaluhan yon ng mga mag gagawa. Sumunod naman si Monique sa kanya at si Aron pero ganon na lang ang pagsalubong ko ng kilay nang makita ko ang mga kamay ni Aron sa likod ni Monique at inaalayan ito papasok. Hindi naman pilay si Monique. Tss.

"Ano nga ba ang ginagawa mo dito, Aldous?" Tanong ko.

"Binabantayan ang asawa ko. May fck boy kayong kasama eh." Saad niya. Sabi na hindi talaga maganda na maging part ng team tong si Aron.

Nilahad ni Patricia ang 3D interior design na ginawa niya at si Monique naman ay ang blue print na ginawa namin. May 100 na desenyo ang pinakita ni Patricia sa amin at halos doon ay approve na nila Odette kailangan namin pag sang ayunan ni Monique yon dahil samin din mang gagaling mga materyales na gagamitin.

"Since naisip ko na hatiin sa dalawa ang building. May tower 1 at tower 2. Both buildings ay hindi aabot sa fault line so safe ang building in case na may dumating na unos." Explain ni Monique.

"Eh diba according to Odette and Kurt gusto nila iisang building lang? At ang building na yon ay nag lalaman ng 18th floors. Parking, the 12 asian cuisine, the penthouse, rooftop at ang art workshop ni Patricia." Singit ni Aron na naka ngiti kay Patricia na parang puring puri ito na may workshop ang asawa ni Aldous.

"Ibang klase na din itong si Patricia layo na narating. May bunga din naman pala ang paglayo mo-"

"Aron past na yon. Ano ka ba." Saway sa kanya ni Patricia. Tinignan ko si Aldous na gusto na manapak. Napailing na lang ako dahil mukhang mag hahanap pa ng away 'tong tarantado na 'to na sumabit sa project namin.

Awatin ang puso na ibigin ka - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon