Chapter 2

86 5 3
                                    

"Parekoy!" Kamot ulo ako napatingin kay March. Nakainom na kasi 'to. Kanina pa kami nag iinom dito yung mga kasabayan namin kung hindi umuwi eh tulog na dito sa damuhan nang bahay nila March.

 "Ano? Wag mo sabihin iisa ka pa? Iwan na kita dito. May pasok ako bukas, March!" Tinawanan lang ako ng bwisit na 'to. May amats na 'to pero hindi pa lasing namumula na ang pisngi eh saka lang malalaman na lasing 'to pag mapungay na ang mata. 

"Ito naman ang kj! Minsan lang 'to."

"Anong minsan? Kulang na lang gawin na natin hobby ang pag inom." 

"Gusto mo din naman ah! Puro ka reklamo dyan pero sige ka naman ng inom!" 

"Syempre! Libre mo. Alangan tanggihan ko pa yon."Tumawa lang siya ininom ang beer na hawak niya. 

"Bakit mga trip mo matanda sayo?" Tanong niya. Kaya eto na naman ako naka kunot noo napatingin sa kanya saglit at humarap muli sa harapan ko. 

"Hindi naman matanda si Monique ha. Isang taon lang tanda non sa'kin." Sagot ko sa kanya. "Tska mahirap pa pormahan yon. Suntok sa buwan." Dugtong ko. Totoo naman bukod nga sa may mahal ako na hindi naman ako mahal di ko talaga magawa pormahan si Monique. Hirap pormahan non eh dami din kasi umaaligid puro pa basketball ang ganda kasi ng babae na yon kahit puyat at stress na lahat lahat maganda pa din eh. Pero mas maganda yung mahal ko. 

"Suntok sa buwan? Sabagay. Taas non eh ang yaman pa. E pero bineso ka na kanina naka score ka na! May bulaklak ka pa nga. Tapos akong 'tong bestfriend mo wala kang regalo?" Natawa naman ako sa kanya. Nag selos pa kay Monique. Kung alam lang nito na para sa kanya dapat yung bulaklak kanina pero sinira ng moment nila ni Kevin yung moment ko para sa kanya.

 "Obligado ba ko mag regalo sayo? May regalo ka naman galing kay Kevin ah." Ngumuso lang siya sa sinabi ko. Nakita ko yung regalo sa kanya non. Wala ako nagawa kundi matawa dahil ang binigay sa kanya ni Kevin ay isang pack na imported candy. Halos mamatay ako kakatawa kasi hindi naman mahilig si March sa candy ayaw na ayaw niya ng candy kaya kanina muntik na ko masapak nito. 

"Tigilan mo ko, Arkhe ha. Bwisit yon akala ko naman kung ano regalo niya. Umasa ako."

"Hilig mo umasa don. Eh sa dami ng babae non tingin mo seseryoso ka non? Tska maloko yon, March! Wag ka don." Iniripan lang niya ko. Totoo naman din kasi yon. Ubod ng loko ang peste na yon dami binubully sa school. 

"Tagal ko na crush yon. Alam mo naman yon."

"Alam ko. Kaya nga nabansagan kang nang wawasak ng puso dahil don sa unggoy na yon!" Singhal ko sa kanya sabay inom ng alak sa kamay ko. 

"Alam mo March ang daming lalaki dyan. Ang dami may gusto manligaw sayo pero inaawayan mo kundi mo aayawan sasaktan mo naman." Sabi ko sa kanya. 

"Ark. Si Kevin lang talaga gusto ko. Wala na ibang." Sagot niya. Hindi na lang ako kumibo wala naman ako magagawa kung yung gagong yon ang gusto niya ayos na yung masaya siya basta wag lang siyang masasaktan.


### 


Papunta ako kay March ngayon. Lintek yon alam naman niya may pasok ako sa akin pa nag papasundo alam ko na galawan ng babae na yon mag aaya na naman mag inom. Nang makaratitng ako sa building na pinapasukan niya umakyat na agad ako sa 16th floor kung nasan ang office nila. Tss. Tamo 'to bungad na bungad sa akin na hindi pa siya tapos mag ayos at akala ko ba wala na siya kasama dito? Eh nandito pa yung mga kasamahan niya sa trabaho. 

"Hoy! Akala ko ba wala ka na kasama dito? Kung mag inarte ka sa akin sa telepono." Lumapit na ko sa kanya. 

"Init ng ulo mo. Paalis na din yang mga yan. Mag antay ka lang dyan." Tinuro niya yung upuan malapit sa mesa niya. Napailing na lang ako at inalis ang mga nakapatong na papel doon. 

Awatin ang puso na ibigin ka - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon