Chapter 10

27 2 2
                                    

Natapos ang business trip namin ni Monique sa Dubai at napag desisyonan namin na dumeretso dito sa opisina dahil ngayon ang araw ng meeting namin kila Odette. Hindi pa din kami nag uusap ni March pag tapos ng gabi na yon. Hindi niya sinasagot ang tawag at text ko. Maski si Monique naging mailap sa akin pag tapos non hindi kami ganon nag uusap kung hindi related sa trabaho. Pinikit ko muna ang mga mata ko para makapag pahinga pero saglit lang iyon dahil bigla tumunog ang intercom sa mesa ko.

"Sir. May bisita po kayo. Papasukin ko po ba?" Tanong ng sekretarya ko.

"Glenda. Nag papahinga pa ko. Importante ba yan?"

"Oo. Importante. Sungit." Napatayo ako sa kinauupuan ko at nag madali nag tungo sa pinto at binuksan yon. Nakita ko si March nakatayo kung nasan ang pwesto ng sekretarya ko.

"Ano naka kita ng multo? Hindi mo ko papasukin?" Tanong niya. Parang walang nangyari samin nung nakaraang linggo. Prang hindi niya ko nireject at sinaktan dahil nag tapat ako ng nararamdaman ko sa kanya.

Nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok siya. At agad naman siya umupo sa visitor area ko sa loob ng opisina.

"Kararating mo lang?" Pormal niyang tanong.

"Oo. Nag papahinga lang ako."

"Bakit di ka pa sa inyo dumeretso?" Tanong niya ulit habang inisa isa ilabas ang laman ng paper bag na dala niya.

"May meeting pa ko mamaya sa Stained." Sagot ko.

"Kailangan mo ba ng appointment sa kapatid mo para lang makita siya?" Nag tatakang tanong ni March.

"Hindi. It's about business. Ano yan?" Tinuro ko yung mga container na nasa mesa na. At inisa isa naman niya yon sa akin.

"Kwek kwek"

"Squid balls"

"Fish balls"

"Chicken balls."

"At sago't gulaman."

Kunot noo ako nakatingin sa kanya. Siguro nahalata niya ang pagtataka ko dahil bigla din siya nag salita agad.

"Peace offering ko." Nakayuko niyang sabi.

Napailing na lang at natawa sa ginawa niya. Nilapitan ko siya at agaran kong niyakap. Namiss ko 'tong babaeng 'to. Kahit ilang beses niya ko sinaktan hindi naman maipagkakaila na siya pa din ang matalik kong kaibigan.

"Sorry last week." Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya.

"Ayos lang. Sanay na ko." Natatawa kong sabi sa kanya kaya tinampal niya ang likod ko.

"Siraulo." Yun lang ang sinabi niya at umupo ulit. Nag simula na kami kainin ang dala niyang pagkain. Madami din siyang kwentong bitbit galing Singapore masyado na din pala mataas ang bestfriend ko.

"Baka sa susunod CEO ka na." Biro ko sa kanya.

"Gago. Wag kang ganyan baka maniwala ako. Walang kwenta yung CEO namin ngayon." 

Natatawa niyang sagot. Madami kami napagkuwentuhan ni March. Sinabi ko na din ang tungkol sa kapatid ko dahil inaantay niya iopen ko lang iyon sa kanya.


"So apat talaga kayo mag kakapatid? Tapos namatay yung isa?" Tanong niya. Basang basa ako ang emosyon ni na pinapakita ni March. Halong gulat at lungkot ang pinapakita niya.

"Yup. Odette's twin sister died at age of four na dapat si Odette ang masasama sa aksidente pero si Oleen ang naisama dahil magkamukha talaga sila. But it was an accident wala naman may gusto nung nangyari maski ang kapatid ko na wala naman kamuwangmuwang non."

Awatin ang puso na ibigin ka - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon